Pumunta sa nilalaman

Pedro Escuro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pedro Escuro
Kapanganakan2 Agosto 1923(1923-08-02)
Kamatayan(2000-09-08)Setyembre 8, 2000
Trabahosiyentipiko

Si Pedro B. Escuro (1923 – 2000) ay kilala sa kanyang kontribusyon ukol sa Genes ng mga halaman at pagpapatubo nito (Plant Breeding) tulad ng palay. Siya ay pinarangalang "Pambansang Siyentipiko" para Genetic at Plant Breeding noong 1994.

Ipinanganak sa Nabua, Camarines Sur[1] noong Agosto 2, 1923. Nakapagtapos siya ng magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Agriculture major in Agronomy sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna noong 1952.[2] Natapos niya ang kanyang Master's Degree (Masters of Science in Plant Breeding) mula sa Unibersidad ng Cornell noong 1954,[2] at doctorate degree (Ph.D. Genetics and Plant Breeding) mula sa Unibersidad ng Minnesota sa Estados Unidos noong 1959.[2] Nagawaran siya ng Doctor of Science, Honoris Causa sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1974.[2]

Kilalang premyadong plant breeder si Dr. Escuro, iskolar at guro. Ang kanyang mga pananaliksik ang naglunsad sa pagkakaroon ng mga magagandang uri ng bigas katulad ng classic C4-63 na marami kung anihin, matibay laban sa mga sakit at pesteng insekto, masarap kainin at nagsilbing halimbawa at sukatan ng mataas na uri ng bigas, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa maraming bansa sa Asya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Congratulations" (PDF). PhilRice Newsletter (Special Edition). 1 (12). Agosto 15, 1993.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Pedro B. Escuro". spheres.dost.gov.ph. Nakuha noong 2024-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.