People of the Philippines v. Santos, Ressa and Rappler
People of the Philippines v. Santos, Ressa and Rappler (ibig-sabihin Ang Bayan ng Pilipinas laban kay Ressa, Santos at Rappler) (R-MNL-19-01141-CR), na kilala rin bilang kasong paninirang-puri sa pamamagitan ng Internet kay Maria Ressa (kasong cyberlibel kay Maria Ressa), ay isang kapuna-punang kaso sa Pilipinas na isinampa laban kay Maria Ressa, isang makisamang may-ari (Ingles: co-owner) at pangulo (chief executive officer) ng Rappler, Inc.[1] Hinatulan ng cyberlibel si Maria Ressa, kasama sa isa pang dating manunulat sa Rappler, si Reynaldo Santos Jr., ng Hukom Rainelda Estacio-Montesa ng Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis ng Maynila, Sangay Blg. 46 noong 15 Hunyo 2020.[2][3]:36 Siya ang ikalawang tao sa Pilipinas na hinatulan sa kasong cyberlibel.[4]
Ang kaso ay nakatuon sa isang artikulo na inilathala sa Rappler ni Reynaldo Santos, Jr. na nag-aakusa sa dating Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ng pagtanggap ng mga pabor mula sa Pilipino-Tsino na negosyante na si Wilfredo Keng.[5] Ang artikulo ay inilathala nang apat na buwan bago ang batas ay umiral.[6][7]
Pagkatapos niyang hinatulan ng krimen, inanunsyo ni Ressa ang kanyang intensyon na magreklamo sa Hukuman ng Apela at, kung kinakailangan, sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.[8] Hindi hinatulan ng krimen ang korporasyon Rappler Inc. Nguni't, si Santos, bilang ang may-akda, ay hinatulan din.[8] Noong sinampahan si Santos ng kaso, hindi na siya nagtatrabaho bilang isang manunulat pa.[9]
Sinabi ng hukuman na si Ressa "… ay hindi nag-alok ng isang patak ng katibayan na pinatototohanan nila ang mga imputation ng iba't ibang mga krimen sa artikulo na ipinagtatanong … [Rappler] ay basta-basta lamang inilathala ang mga ito bilang balita sa kanilang online na publikasyon nang walang paggalang kung totoo o hindi sila. "[3]:34 Ang paghatol ay nagargumento rin na sinadya ng Ressa na tawagan ang kanyang sarili hindi bilang punong patnugot (editor-in-chief), pero bilang ehekutibong patnugot (executive editor), sa isang pagsisikap na maiwasan ang parusahan.[3]:25
Ang paghatol ay namintas ng mga organizasyon sa karapatang pantao.[10][11][12][13] Tinawag ng Mataas na Komisyoner ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Karapatang Pantao ang kaso na isang "halimbawa ng pagmamatakot" laban sa mga mamamahayag sa Pilipinas.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Despite NBI flip-flop, DOJ to indict Rappler for cyber libel". Rappler (sa wikang Ingles). 2019-02-04. Nakuha noong 2020-06-18.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Ratcliffe, Rebecca (Hunyo 15, 2020). "Journalist Maria Ressa found guilty of 'cyberlibel' in Philippines". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong Hunyo 15, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Rainelda H. Estacio-Montesa (2020-06-15). "People of the Philippines v. Reynaldo Santos, Jr., Maria Angelita Ressa and Rappler Inc" (sa wikang Ingles). Panrehiyong Hukuman sa Paglilitis ng Maynila, Sangay Blg. 46. Nakuha noong 2020-06-15 – sa pamamagitan ni/ng Abogado.com.ph.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santiago, Salvador (2020-03-02). "Court finds Zambo Sur town dad guilty of cyber libel" (sa wikang Ingles). Philippine News Agency. Nakuha noong 2020-06-05.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santos Jr., Reynaldo; Rufo, Aries (Mayo 29, 2012). "CJ using SUVs of 'controversial' businessmen". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 18, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Orendain, Simone (Oktubre 3, 2012). "Cybercrime Law in Philippines Draws Protests" (sa wikang Ingles). Voice of America. Nakuha noong Hunyo 18, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buan, Lian (Enero 19, 2018). "NBI: Rappler can be liable for cyber libel despite non-retroactive law". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 18, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Buan, Lian (Hunyo 15, 2020). "Maria Ressa, Rey Santos Jr convicted of cyber libel". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 15, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Buan, Lian (Hunyo 18, 2020). "'I'm scared to go to jail, I'm not as fearless as Maria', says Reynaldo Santos Jr". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 18, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cabato, Regine (Hunyo 15, 2020). "Conviction of Maria Ressa, hard-hitting Philippine American journalist, sparks condemnation". The Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 16, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Quash Maria Ressa and Rey Santos' conviction in the Philippines" (sa wikang Ingles). Amnesty International. Hunyo 15, 2020. Nakuha noong Hunyo 19, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines: Rappler Verdict a Blow to Media Freedom" (sa wikang Ingles). Human Rights Watch. Hunyo 15, 2020. Nakuha noong Hunyo 19, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Editorial Board (Hunyo 15, 2020). "The Philippines slides toward autocracy". The Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 19, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)