Pumunta sa nilalaman

Periyodonsiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang periyodonsiya (mula sa Griyego na περί peri "nasa paligid"; at ὀδούς odous "ngipin", henitibo o paari na ὀδόντος odontos) ay ang espesyalidad ng dentistriya na nag-aaral ng mga kayarian o estrukturang sumusuporta sa mga ngipin, mga karamdaman, at mga kalagayan o kondisyon na umaapekto sa mga ito. Ang mga tisyung sumusuporta ay kilala bilang periyodonto, na kinasasamahan ng mga gilagid, butong albeolar, sementum, at ng ligamentong periyodontal. Ang propesyunal na nagsasagawa ng larangang ito ng espesyalidad ng dentistriya ay kilala bilang isang periyodontista. Isang dentista din ang periyodontista na espesyalista sa pag-iwas, pagsuri at paggamot ng mga sakit na periyodontal at sa paglalagay ng mga implant sa ngipin.[1]

Ang katawagang periyodonto ay ginagamit upang isalarawan ang pangkat ng mga istraktura na diretsong pumapalibot, sumusuporta at prinoprotekta ang ngipin. Higit na binubuo ang periyodonto ng mga tisyung gingival at sinusuporta ang buto.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "What is a Periodontist?". Perio.org. Nakuha noong 2019-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Anatomy of the Periodontium | An Overview of Dental Anatomy | CE Course | dentalcare.com". www.dentalcare.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)