Pete Best
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Pete Best | |
---|---|
Kapanganakan | 24 Nobyembre 1941
|
Mamamayan | United Kingdom |
Trabaho | drummer, musiko |
Si Randolph Peter Best o Pete Best (ipinanganak noong 24 Nobyembre 1941) ay ang orihinal na mananambol ng The Beatles (bago napalitan ni Ringo Starr). Ipinanganak siya sa Madras, India na ang ina ay isang Indiyana at ang ama ay isang Ingles. Sa paglaon, naging pag-aari ng kaniyang inang si Mona ang Casbah Club na nasa Liverpool, kung saan paminsan-minsang nagtatanghal ang The Beatles. Naging mananambol si Best ng pangkat mula 1960 hanggang Agosto 16, 1962, nang patalsikin siya ng banda at ng kanilang bagong tagapangasiwa na si Brian Epstein, at siya nga ay napalitan ni Ringo Starr. Ang dahilan ng pagpapalit ay dahil sa noong mag-awdisyon ang banda para sa EMI, hindi nasiyahan ang prodyuser ng rekord na si George Martin sa kasanayan at kakayahan ni Best sa pananambol, at binalak na palitan siya sa kanilang mga pagrerekord.
Nasira ang kalooban ni Best, at sumubok siyang bumuo ng ibang mga banda na kaunti lamang ang pananagumpay. Nagtangka siyang magpakamatay noong 1965, subalit nakaligtas, at naghanapbuhay bilang isang tagapaglingkod na sibil. Noong 1995, nang ilabas ng The Beatles ang kanilang mga album na Anthology, na itinampok si Best sa ilang mga pagrerekord, tumanggap siya ng isang malaking kabuoan ng salapi magmula sa mga pagbebenta. Nakatagpo siya ng isang bagong karera, ang paglitaw sa ilang mga kaganapang may kaugnayan sa The Beatles, katulad ng mga kumbensiyon (mga pagpupulong), kung saan paminsan-minsan siyang tumutugtog ng mga tambol, na mas mahigit ang kakayahan at kasanayan kaysa sa naipakita niya dati.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.