Pumunta sa nilalaman

Petsa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kalendaryo Ngayon
Gregoryano 22 Disyembre 2024
Huliyano 9 Disyembre 2024
Hijri (Tabular) 20 Jumada al-thani 1446
Ebreo 21 Kislev 5785

Ang isang petsa ay isang pagtukoy sa isang partikular na araw na kinakatawan sa isang sistema ng kalendaryo. Matutukoy ang isang ispesipikong araw dahil sa isang petsa. Maaaring ikalkula ang bilang ng araw sa pagitan ng dalawang mga petsa. Halimbawa, ang "ika-25 ng Disyembre, 2024" ay sampung araw pagkatapos ng "ika-15 ng Disyembre, 2024". Nakadepende ang petsa ng isang partikular na kaganapan sa ginagamit na sona ng oras. Halimbawa, ang Pag-atake sa Pearl Harbor na nagmula noong 7:48 a.m Hawaiian time noong ika-7 ng Disyembre, 1941, ay naganap noong 3:18 a.m. Japan Standard Time, ika-8 ng Disyembre sa Hapón.

Pagkakaayos ng petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong malaking pagkakaiba-iba sa mga ginagamit na ayos para sa mga petsa, na naiiba sa pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng petsa. Gumagamit ang mga baryasyong ito ng halimbawang petsa na 31 Mayo 2006: (hal. 31/05/2006, 05/31/2006, 2006/05/31), mga nagpapahiwalay ng mga bahagi (hal. 31.05.2006, 31/05/2006, 31-05-2006), kung kasama ang mga leading zero (hal. 31/5/2006 vs. 31/05/2006), kung sinusulat ang lahat ng apat na mga digit ng taon (hal. 31.05.2006 vs. 31.05.06), o kung sinusulat ang buwan gamit ang mga bilang na Arabe o Romano o gamit ang pangalan nito (hal. 31.05.2006, 31.V.2006 vs. 31 Mayo 2006).