Pe̍h-ōe-jī
Pe̍h-ōe-jī Romanisasyon ng Simbahan | |
---|---|
Uri | Alpabeto |
Mga wika | Hokkien sa Min Nan
|
Lumikha | Walter Henry Medhurst Elihu Doty John Van Nest Talmage |
Panahon | mula d. 1830 |
Mga magulang na sistema |
Heroglipikong Ehipsiyo
|
Mga anak na sistema | TLPA Tâi-lô |
BCP 47 variant subtag: pehoeji [1] | |
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA. |
Ang pe̍h-ōe-jī (lit. na 'sulat bernakular') o POJ, minsan kilala bilang Romanisasyon ng Simbahan, ay isang ortograpiyang ginagamit sa pagsulat ng mga baryante ng wikang Hokkien sa Min Nan,[2] lalo na ang Hokkieng Taiwanes at Amoy, at malawak itong ginagamit bilang isa sa mga sistema ng pagsulat para sa Minnan. Sa kasagsagan nito, daan-daang libo ang nakababasa nito.[3]
Nilinang ng mga Kanluraning misyonero na nakikipagtrabaho sa mga diyaspora ng mga Tsino sa Timog-silangang Asya noong ika-19 na siglo at pinino ng mga misyonerong nagtrabaho sa Xiamen at Tainan, gumagamit ito ng minodipikang alpabetong Latin at ilang mga diyakritiko bilang pagkakatawan sa sinasalitang wika. Nagtagumpay muna ang POJ sa Fujian, at naging pinakalaganap sa Taiwan pagkatapos. Noong ika-20 siglo, higit sa 100,000 katao ang marunong mag-POJ. Marami ang nailimbag sa sulat na ito, relihiyoso man o sekular, kabilang dito ang unang pahayagan ng Taiwan, ang Taiwan Church News.
Noong pagsasakop ng mga Hapones (1895–1945), siniil ang paggamit ng pe̍h-ōe-jī at hinikayat naman ang kanang Taiwanes; mas lalo pa itong siniil noong batas militar ng Kuomintang (1947–1987). Sa Fujian, humina ang paggamit nito noong natatag ang Republikang Bayan ng Tsina (1949) at pagsapit ng unang bahagi ng ika-21 siglo, hindi na karaniwan doon ang paggamit ng sistemang ito. Subalit, ginagamit pa rin ang pe̍h-ōe-jī ng mga Kristiyano sa Taiwan, di-katutubong mag-aaral ng Minnan, at mga panatikong katutubong-ispiker sa Taiwan. Nagkaroon ito ng ganap na suporta sa kompyuter noong 2004 sa paglabas ng Unicode 4.1.0, at may POJ na sa maraming tipo ng titik, paraan ng pag-input, at ginagamit sa mga malawakang diksiyonaryong online.
Nailikha ang mga bersiyon ng pe̍h-ōe-jī para sa mga ibang wika ng Timog Tsina, kasama rito ang Hakka at Teochew. Kabilang sa mga iba pang kaugnay na sulat ang Pha̍k-oa-chhi para sa Gan, Pha̍k-fa-sṳ para sa Hakka, Bǽh-oe-tu para sa Hainanes, Bàng-uâ-cê para sa Fuzhou, Pe̍h-ūe-jī para sa Teochew, Gṳ̿ing-nǎing Lô̤-mǎ-cī para sa Hilagang Min, at Hing-hua̍ báⁿ-uā-ci̍ para sa Pu-Xian Min.
Noong 2006, inilabas ang Tâi-lô, isang kahalili batay sa pe̍h-ōe-jī na itinataguyod ng pamahalaan. Despite this, mainit na pinagtatalunan pa rin sa Taiwan ang pagtuturo ng katutubong wika at mga sistema ng pagsusulat para sa Taiwanes.
Naging pundasyon ang POJ sa paglilikha ng bagong panitikan sa Taiwan. Bago ang d. 1920, marami na ang nakapagsulat ng mg akda sa POJ,[4] na nakatulong nang malaki sa preserbasyon ng bokabularyo ng Min Nan mula noong pahuli ng ika-19 na siglo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Language Subtag Registry". IANA. Nakuha noong 2024-03-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tân, Bō͘-Chin (2015). 白話字的起源與在台灣的發展 [Ang Pinagmulan ng Pe̍h-ōe-jī at Paglinang Nito sa Taiwan] (sa wikang Tsino). National Taiwan Normal University. pp. 1, 5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sakai, Tōru (2003-06-11). 台語羅馬字的衰退係外來政權鎮壓的後果 [Ang Paglaho ng Romanisadong Pagsusulat ng Taiwan bilang Bunga ng Pagsusugpo sa Dayuhan] (sa wikang Tsino).
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chiúⁿ, Ûi-bûn (2005). 羅馬字是臺灣新文學ê開基祖 [Romanisasyon: Nagtatag na Ama ng Makabagong Panitikang Taiwanes]. 語言、認同與去殖民 [Wika, Pagkakakilanlan, at Dekolonisasyon] (sa wikang Tsino). National Cheng Kung University.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)