Phallus
Ang phallus ay isang katagang Ingles, at kilala sa Kastila bilang falo, na tumutukoy sa galit na titi, sa isang bagay na hugis-titi o wangis-titi na katulad ng dildo, o isang mimetiko o ginayang imahe o larawan ng isang titing galit. Anumang bagay na sumasagisag na kahawig ng isang titi ay maaari ring tukuyin bilang isang phallus; subalit ang ganyang mga bagay ay mas kadalasang tinutukoy bilang phallic o "parang galit na titi", katulad ng paggamit sa Ingles na phallic symbol. Ang ganyang mga simbolo ay kadalasang kumakatawan sa mga kadamay o kasingkahulugan ng pagkapalabuntisin o pertilidad at pangkultura na may kaugnayan sa organong seksuwal ng lalaki.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pamamagitan ng Latin, at Griyegong φαλλός, mula sa ugat na Indo-Europeong *bhel- "papintugin, mamaga". Ihambing sa Matandang Nordiko (at makabagong Islandiko) na boli = "toro" o bulugang baka, Matandang Ingles na bulluc = "bullock" o "kawan ng baka", Griyegong φαλλή = "balyena".[1]