Pumunta sa nilalaman

Felipe II ng Macedonia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Philip II ng Macedonia)
Felipe II
Busto ni Felipe II Ny Carlsberg Glyptotek
Hari ng Macedon
Panahon 359–336 BCE
Sinundan Amyntas IV
Sumunod Dakilang Alejandro
Hegemon of the Liga ng Corinto[1]
Panahon 337 BCE
Sumunod Dakilang Alejandro
Strategos Autokrator ng Sinaunang Gresya laban sa Imperyong Akemenida
Panahon 337 BCE
Sumunod Dakilang Alejandro
Anak
Buong pangalan
Felipe II ng Macedonia
Ama Amyntas III
Ina Eurydice I
Kapanganakan 382 BCE
Pella, Macedon
(modern-day Pella, Greece)
Kamatayan 21 October 336 BCE(edad 46)
Aigai, Macedon
(ngayong Vergina, Gresya)
Libingan Aigai, Macedon
(modernong Vergina,Gresya)
Pananampalataya Sinaunang relihiyong Griyego

Si Felipe II ng Macedonia o Filipo II ng Macedonia (Griyego: Φίλιππος Β' ο Μακεδώνφίλος = kaibigan + ίππος = kabayo — pagsasatitik: Philippos tala: mula sa makabagong bigkas[2]) ay isang hari ng Imperyo ng Macedonia. Tinatawag na basileus ang mga sinaunang hari ng Macedonia. Naghari siya mula 359 BK hanggang 336 BK. Noong 336 BK, pinatay siya sa pamamagitan ng asasenasyon.[3] Siya ang ama ng emperador na si Alejandro ang Dakila, na ipinanganak noong 356 BK. Siya ang naging sanhi ng pagkakaisa ng lahat ng Gresya. Isinanib niya ang isang estadong-lungsod sa kaniyang imperyo sa pamamagitan ng kaniyang militar o kakausapin niya o susuhulan ang mga pinuno nito upang sumali sa kaniyang imperyo. Sa ilalim ng kaniyang paghahari noong 338 BK sa Digmaan ng Chaerona laban sa Athens nang unang maipakita ni Alejandro ang kaniyang pagiging maalam sa estratehiyang pangmilitar. Siya rin ama ni Felipe III ng Macedonia at pinaniniwalaang pati ni Ptolemy I Soter, ang tagapagtatag ng Dinastiyang Ptolemayiko sa Ptolemayikong Ehipto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pohlenz, Max (1966). Freedom in Greek life and thought: the history of an ideal. Springer. p. 20. ISBN 978-90-277-0009-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Online etymology Dictionary: Philip
  3. A History of Greece to 322 B.C. ni N. G. L. Hammond .ISBN 0198730950,pahina 56, 1986.


Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.