Korporasyon ng Pilipinas sa Seguro ng Deposito
Philippine Deposit Insurance Corporation | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | Hunyo 1963 |
Kapamahalaan | Pamahalaan ng Pilipinas |
Punong himpilan | Abenida Chino Roces, Lungsod ng Makati, Pilipinas |
Kasabihan/motto | Kinabukasan mo'y iseguro, ugaliing magdeposito |
Mga tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Pinagmulan na ahensiya | Kagawaran ng Pananalapi (Pilipinas) |
Websayt | www.pdic.gov.ph |
Ang Korporasyon ng Pilipinas sa Seguro ng Deposito[1] (Inggles: Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC) ay isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan na itinatag noong Hunyo 1963 sa ilalim ng Batas Republika Blg. 3591.[2] Ito rin ay malayang institusyong pampananalapi na nag-uugnay sa Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas. Garantiya nito ang mga deposito hanggang sa ₱500,000. Ang pangunahing tungkulin ng PDIC ay protektahan ang maliliit na mamumuhunan at depositante at magpakalakas ng kumpiyansa sa bangko. Nagtanggap din ang PDIC ng gabay mula sa International Association of Deposit Insurers.
Noong 1992, ang Batas Republika Blg. 3591 ay sinusog ng Batas Republika Blg. 7400 at pinalawig ito ang kapangyarihan ng PDIC pagdating sa pangasiwaan at regulatoryo upang ibilang ang mga malayang pagsusuri ng mga bangko. Ginawa rin ng batas ang PDIC bilang sapilitang tagapagtanggap/tagapaglikida ng mga bangko na isinara ng Lupon ng Pananalapi. Bukod pa rito, ang kapangyarihan na magkaloob ng tulong pananalapi sa mga bangko na nanganganib magsara ay lumawig upang ibilang ang sapantaha ng mga pananagutan sa karagdagan sa paggawa ng mga deposito, ang pagbibili ng mga pangangari o ang paggawa ng mga tuwirang pautang. Pinalaki rin ng Batas Republika Blg. 7400 ang sakop ng seguro sa deposito mula P40,000 sa P100,000 sa bawat naglalagak.
Pamunuan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang PDIC ay pinamunan ng mga limang kasapi ng Lupon ng mga Tagapamahala na binubuo ng Kalihim ng Pananalapi bilang Tagapangulong ex-officio, Pangulo at Punong Opisyal sa Tagapagpaganap bilang Pangalawang-Tagapangulo, Tagapangasiwa ng Bangko Sentral bilang kasaping ex-officio, at dalawang kinatawan mula sa pribadong sektor. Ang Pangulo ng Pilipinas ay nagtatalaga ng Pangulo ng PDIC at dalawang pribadong sektor na kinatawan sa panunungkulan ng anim na taon.
Gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang gampanin ng PDIC na isinasapananaw ng Konggreso ay mag-udyok ng mga impok sa mga bangko at magpasok ng mga di-gumagalaw na pondo sa sistema ng pagbabangko, pangalagaan ang mga nakasegurong deposito sa kaganapan ng pagsasara ng bangko, tumutulong sa pag-aangat ng tunog at matatag na sistema ng pagbabangko, at alagaan ang tiwala ng publiko sa sistema ng pagbabangko.
Bilang tagapagseguro ng mga deposito
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naglilikom ng PDIC ang kalahating-taunang tasa mula sa mga bangkong-kasapi (ang lumalaganap na halaga ay 1/5 ng 1% ng mga kabuuang deposito) at ito'y maaaring ihinto gayundin sa panunumbalik sa dating kalagayan ng nakasegurong katayuan ng mga bangko sa ilalim ng mga tiyak na kondisyon.
Bilang kapwa-nagtatasahan ng sistema ng pagbabangko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nangangasiwa ng PDIC ang iwas-pook na pagsusuri ng mga bangko, ito'y maaari magpalabas ng mga kautusang paghumpay at pag-iwas laban sa mga bangko na sumusunod ng mga di-ligtas at di-matunog na gawi ng pagbabangko, magsagawa ng mga gawaing kabiguang kapasyahan sa pakikpagtulungan ng Bangko Sentral; at magbigay ng tulong pananalapi sa mga naluluging bangko.
Ang pinakamalaking sakop ng seguro ng deposito ay P100,000 sa bawat naglalagak na buong nakaseguro ng halos 25 angaw na katuusan ng deposito, kumakatawan nang 92% ng kabuuang katuusan ng deposito sa sistema ng pagbabangko ng Pilipinas.
Bilang tagapagtanggap/tagapaglikida
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang PDIC ay nagkokontrol, namamahala at nangangasiwa ng mga ugnayan ng nakasarang bangko, at nagpapasya kung sakali ang bangko at maaaring ibalik sa kapaki-pakinabang at ipagpatuloy ang tungkulin na may kaligtasan sa mga naglalagak nito, mga nagpautang at ang pangkalahatang publiko; o ang pangangaring ito ay mabayaran. Bago pa ang paglilikida ng pangangari ng isang nakasarang bangko, nagdedemanda ng PDIC ng isang petisyon ukol sa tulong sa paglilikida sa kaugnay na hukuman. Pinapalitan ng PDIC ang pangangari ng nakasarang bangko sa salapi at gumagawa ng pamamahagi ng ilang salapi at ibang pangangari sa mga nagpautang ng nakasarang bangko sa ilalim ng mga tuntunin sa pagsasabay ng pangyayari at kagustuhan ng mga kredito na tinukoy ng Kodigong Sibil ng Pilipinas. Sinusundan nang masigasig ng PDIC ang mga makabuluhang susog sa Kartang ito upang palakasin ang mga kakayahang hinggil sa operasyon at pampananalapi nang sa gayon ay matulungang tuparin ang mga atas na ito. Kabilang dito, kabilang sa mga iba pa, ay ang iminungkahing pagtataas ng MDIC mula P100,000 sa P200,000 sa bawat naglalagak at ang pagbabalik sa dating anyo ng kapangyarihan ng pagsusuri ng PDIC. Ito ay magagawa sa saradong pakikipagtulungan ng Bangko Sentral upang magsakatuparan ang gampaning ito sa mga nakalingang deposito sa pamamagitan ng mabisang superbisyon at pagmamatyagan ng mga bangko. Kung kaya, ito'y makabuo ng mga kapangyarihan ng Bangko Sentral at tumutulong sa Bangko Sentral sa maagang pagkakatuklas ng mga suliranin ng mga naluging bangko upang maiwasan ang higit na pagkakalubha at nang panghuli, pagsasara.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Marso 29, 2017. Nakuha noong Marso 27, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Profile of Philippine Deposit Insurance Corporation[patay na link]
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Websayt ng Korporasyon ng Pilipinas sa Seguro ng Deposito Naka-arkibo 2020-11-25 sa Wayback Machine. (PDIC)