Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas
Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas Philippine Executive Commission
| |
---|---|
Watawat | |
Kabisera | Manila |
Pamahalaan | |
Masaharu Homma (Enero 3, 1942 – Hunyo 8, 1942) | |
Shizuichi Tanaka (Hunyo 8, 1942 – Mayo 28, 1943) | |
Shigenori Kuroda (Mayo 28, 1943 – Setyembre 26, 1944) | |
Punong Ministro ng Pilipinas | |
• (Enero 23, 1942 – Oktubre 14, 1943) | Jorge B. Vargas |
Kasaysayan | |
• Naitatag | 3 Enero 1942 |
• Binuwag | Oktubre 14, 1943 (pinalitan ng Ikalawang Republika ng Pilipinas) |
Ang Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas[1] (Ingles: Philippine Executive Commission, dinadaglat bilang PEC)[2] ay ang komisyong itinatag noong 23 Enero 1942 sa pakikipagtulungan ng ilang mga opisyal ng Pilipinas pagkatapos buwagin ni Heneral Masaharu Homma ang Komonwelt ng Pilipinas nang masakop ng mga Hapones ang Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang nagsilbing tagapangulo nito ang alkalde ng Maynila na si Jorge B. Vargas na hinirang ng Punong Komandante ng Hukbong Hapones na si Maeda Masami. Ito ay isang pansamantalang pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng Hapon hanggang sa maitatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas noong Oktubre 14 1943.
Ang pamahalaan ay binubuo ng anim na kagawaran na may komisyonado na nagpapailalim kay Vargas at pinapayuhan ng mga tagapayong Hapones. Dapat sumunod sa mga kautusan ng Hukbong Imperyal ng Hapon hinggil sa mga mahahalagang bagay ang mga kasapi ng PEC.[3] Binuo ng mga sumusunod na komisyonado ang PEC: sina Benigno Aquino, Sr. (Kagawaran ng Interyor), Antonio de las Alas (Pananalapi), Rafael Alunan (Pagsasaka at Kalakalan), Jose P. Laurel (Katarungan), Claro M. Recto (Edukasyon, Kalusugan at Pampubliko), Quintin Paredes (Paggawa at Pakikipagtalastasan). Ang mga hukuman ay nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Punong Komandante ng Hukbong Hapones. Ang nagsilbing Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ay si Jose Yulo.
KALIBAPI
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuwag ng PEC ang lahat ng mga partidong pampolitika at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas) na minodelo sa sistemang isang partido ng Hapon na Taisei Yokusankai upang pagkaisahin ang mga Pilipino upang mapalawig ang positibong pakikipagtulugan nito sa mga Hapones at maitaguyod ang mga pagpapahalagang Oriental. Si Benigno Aquino, Sr. ang naging direktor-heneral ng KALIBAPI. Ang mga pangunahing kasapi ng KALIBAPI ang mga empleyado ng pamahalaan na inatasang sumapi. Ang mga kasapi ng KALIBAPI ay nahalal upang bumuo sa isang Komisyong Paghahahanda para sa kalayaan ng Pilipinas na ipinangako ng Punong Ministro ng Hapon na si Hideki Tojo. Pinagtibay ng pangkalahatang kapulungan ng KALIBAPI ang Saligang Batas noong Setyembre 1943 na nilikha ng Komisyon at pagkatapos ay inihalal sa kanilang sarili ang mga kasapi ng Pambansang Asamblea. Kanilang hinirang si Benigno Aquino Sr. bilang Speaker nito at si Jose P. Laurel bilang Pangulo ng Ikalawang Republika sa ilalim ng Hapones.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Añonuevo, Roberto T. "Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino". Komisyon sa Wikang Filipino. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-12. Nakuha noong 2013-12-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Modyul 15: Pananakop ng Hapon at Reaksiyon ng mga Pilipino[patay na link], Kawanihan ng Edukasyong Sekundaryo (Bureau of Secondary Education), Kagawaran ng Edukasyon
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-28. Nakuha noong 2013-12-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)