Pumunta sa nilalaman

Wikang pasenyas ng mga Pilipino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pilipinong wikang pasenyas)
Tingnan ang ibang mga wikang pasenyas ng iba't ibang bansa sa Wikang pasenyas.
Wikang pasenyas ng mga Pilipino
Filipino Sign Language , Philippine Sign Language
Katutubo saPilipinas
Mga natibong tagapagsalita
100,000 (Pamantasang Gallaudet, 1986)[1]
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2sgn
ISO 639-3psp

Ang wikang pasenyas ng mga Pilipino o wika ng pagsenyas sa Pilipinas, tinatawag na Filipino Sign Language (FSL) at Philippine Sign Language sa Ingles ay isang uri ng manwal at biswal (namamasdan ng mata) na komunikasyon na ginagamit ng mga mamamayang bingi at pipi sa bansang Pilipinas. Isa itong pakikipagunayang ginagamitan ng mga hudyat at sagisag na isinasagawa ng mga kamay ng mga taong sanay dito, partikular na ang mga taong hindi nakapagsasalita at hindi nakaririnig, ngunit kabilang ang mga naglilingkod bilang mga tagapagpaunawang bihasa rin sa ganitong anyo ng pakikipagtalastasan.[2]

Sapagkat may malaking impluho ang American Sign Language (ASL) sa Filipino Sign Language, may ilang mga binging mamamayan ang nagsasabing ang ASL lamang ang tunay na wika ng pagsesenyas at ang FSL ay isa lamang mga panghudyat na pantahanan. Gayondin, may malaking impluwensiya rin sa FSL ang Signing Exact English (SEE) na pinakaginagamit sa mga paaralan ng mga bingi sa Pilipinas.[3]

Buo ang pakikipagugnayan - komunikasyong total - ang ginagamit sa mga paaralan ng mga hindi nakaririnig, kung saan kapwa nagsasalita at sumensenyas ang mga tagapagturo. Bilang kagamitan ng Peace Corps ng Estados Unidos, itinuturing ang American Sign Language bilang pangalawang wika ng mga bingi sa Pilipinas. Tinatayang may mga 300,000 mga tao na may suliranin sa pandinig ang gumagamit nito at may mga 100,000 hanggang 4.2 milyong mamamayan ang mayroon problemang pagkabingi.[4]

Noong 2003, nagsagawa ang Philippine Federation of the Deaf ng isang proyekto na magpapaunlad, sa loob ng tatlong taon, ng mga talahuluganan at mga panturong mga materyales, kasama maging ang isang database ng mga impormasyong pangwikang pasenyas. Isinagawa ito na may tulong-panggugulin ang pamahalaang Hapon.[5]

Ika-16 at ika-17 dantaon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas, isa mga gumamit ng mga senyas sa pagtuturo ng katekismo at sa pagsasagawa ng pagbibinyag sa mga bingi si Padre Ramon Prat (kilala rin bilang Raymundo del Prado o Ramón del Prado), isang Kastilang nagsasalita ng Katalan at dumating sa Dulac, Leyte noong mga huling panahon ng mga dekada ng 1950. Isa rin sa mga pinaniniwalaang gumamit ng mga hudyat-kamay si Juan Giraldo, isang lalaking mula sa Pransiya na dumating sa Dulac, Leyte noong 1595.[2]

Impluho ng mga Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinasabing malaki ang impluwensiya ng mga senyas pangkamay na nagmula sa Estados Unidos sa wika ng pagsesenyas na ginagamit ng mga bingi sa Pilipinas. Itinatag ang Paaralan para sa mga Bingi sa Maynila (Manila School for the Deaf) – na kilala sa ngayon bilang Philippine School for the Deaf (Paaralan para sa mga Bingi sa Pilipinas) noong 1907. Itinatag ang paaralang ito ni Delight Rice, isang gurong Amerikano. Pinamahalaan ito ng mga prinsipal na mga Amerikano hanggang sa mga dekada ng 1940. Malaking impluwensiya din sa pamamaraan ng pagbibigay ng edukasyon sa mga hindi nakakarinig ang paglalagak ng mga boluntaryo mula sa U.S. Peace Corps sa iba’t ibang mga pook sa Pilipinas mula 1974 hanggang 1989. Kabilang rin sa mga impluwensiya mula sa Estados Unidos ang mga samahang pampananampalataya, mga tagapagturo at mga lathalain at panooring ginagamitan ng mga kumpas-kamay batay sa American Sign Language.[2]

Mga pinagmulang katutubo sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong mga unang panahon ng mga dekada ng 1990, naging pinakapangunahing sa mga impluhong lokal at mga pananaliksik si Liza Martinez, isang nakaririnig na Pilipinang maalam sa wika ng pagsesenyas at dating miyembrong guro sa Pamantasang Gallaudet, isang unibersidad para sa mga bingi. Si Martinez ang kasalukuyang tagapamahala ng Philippine Deaf Resource Center. Isa siya sa mga nagpanimula ng mga pagaaral hinggil sa paggamit ng senyas sa Pilipinas, sa pagpapalimbag ng mga lathalain at paglulunsad ng mga proyekto hinggil dito.[2]

Mga lathalain hinggil sa pagsesenyas sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilan ito sa mga piling lathalain hinggil sa wika ng pagsenyas sa Pilipinas:[2]

  • An Introduction to Filipino Sign Language (PDRC/PFD, 2004)
  • Filipino Sign Language: A Compilation of Signs from Regions of the Philippines (PFD, 2005)
  • Status Report on the Use of Sign Language in the Philippines (NSLC)

Mga talabanggitan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba pang mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]