Pinakamaliit na karaniwang multiple
Itsura
Ang pinakamaliit na karaniwang multiple (sa Ingles, lowest common multiple o LCM o smallest common multiple) ng dalawang intedyer na a at b ang pinakamaliit na positibong intedyer na multiple ng parehong a at b. Sa ibang salita, ang LCM ang pinakamaliit na bilang na mahahati ng parehong a at b na walang matitira(remainder).
Halimbawa, ang LCM ng 4 at 6 ay 12:
Ang mga multiple ng 4 ay :
- 4, 8, 12, 16, 20, 24, 28, 32, 36, 40, 44, 48, 52, 56, 60, 64, 68, 72, 76 etc.
Ang mga multiple ng 6 ay:
- 6, 12, 18, 24, 30, 36, 42, 48, 54, 60, 66, 72, ...
Ang mga karaniwang multiple ng 4 at 6 ang mga bilang na parehong nasa listahan ng 4 at 6:
- 12, 24, 36, 48, 60, 72, ....
Ang pinakamaliit sa listahang ito ang 12 kaya ito ang LCM ng parehong 4 at 6.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.