Pinyang keyk
Ibang tawag | Fengli Su,[1] pineapple cake |
---|---|
Kurso | Panghimagas |
Lugar | Taywan |
Rehiyon o bansa | Silangang Asya |
Kaugnay na lutuin | Taywan |
Pangunahing Sangkap | Pastelerya (mantikilya, pula ng itlog, asukal), halayang pinya |
450 kcal (1884 kJ) | |
Karagdagan | Pinyang tarta |
|
Ang pinyang keyk (Tsino: 鳳梨酥; pinyin: fènglísū; Hokkien ng Taywan: 王梨酥 ông-lâi-so͘) ay isang matamis na tradisyonal na pastelerya at panghimagas ng Taywan na naglalaman ng mantikilya, harina, itlog, asukal, at pinyang ginawang halaya o hiniwa.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malamang na nailikha ang pinyang keyk at pinyang tarta noong ika-16 na siglo nang ang pinya, isang prutas na katutubo sa Timog Amerika, ay ipinakilala sa rehiyon ng mga Portuges na mangangalakal.[2] Sa panahong iyon, nagtatag ang mga Portuges ng presensiya sa mga lugar tulad ng Malacca, Singapura at Taywan, na tinukoy nila sa lipas nang pangalang "Formosa" para sa pulo.[3]
Noong panahon ng kolonyalismong Hapones, naging napakaimportanteng bahagi ng ekonimiya ng Taywan ang pinyang keyk, kung kailan nag-angkat ang mga industriyalistang Hapones ng samu't saring uring kultibar ng pinya at nagtatag ng maraming plantang pamproseso.[4]
Sa huling bahagi ng d. 1930, ang Taywan ay naging ikatlong pinakamalaking tagaangkat ng pinya sa mundo.[4] Subalit nang lumipat ang produksyon ng pinya sa Taywan patungo sa domestikong pagbebenta at paggamit ng sariwang pinya, hinangad ng mga lokal na panaderya na gamitin ang sobra sa mga pastelerya.[5] Habang naprodyus ang pinyang keyk bilang pagkaing seremonyal sa kasaysayan, ang kombinasyon ng pagtataguyod ng gobyerno at globalisasyon ay nagpasikat sa pinyang keyk. Ngayon, isa na sa pinakamabentang pasalubong sa Taywan ang pinyang keyk sa Taywan.[6]
Mula noong 2005, nagpapatakbo ang Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei ng taunang Pangkulturang Pista ng Pinyang Keyk sa Taipei upang pasiglahin ang lokal na industriya ng turismo at isulong ang pagbebenta ng pinyang keyk.[7][8] Noong 2013, umabot ang kita mula sa panaderya ng pinyang keyk ng Taywan ng NT$40 bilyon (US$1.2 bilyon), at nagpalakas din ang mga nabentang pinyang keyk sa mga ekonomiyang agrikultural sa mga kanayunan ng bansa.[9][5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Schwankert, Steven (Enero 17, 2015). "Before and After (Taiwanese): Beyond Taipei's Night Market Snacks" [Bago at Pagkatapos (Taywanes): Higit pa sa Meryenda sa Panggabing Merkado ng Taipei]. The Beijinger (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 13, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Andrea Nguyen (2011). Asian Dumplings: Mastering Gyoza, Spring Rolls, Samosas, and More. Potter/Ten Speed/Harmony/Rodale. p. 195. ISBN 978-16-077-4092-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sujuan, Zhan (2012-05-22). "The Taiwan Encyclopedia" [Ang Ensiklopedya ng Taywan] (sa wikang Ingles). Council for Cultural Affairs. Nakuha noong 2012-05-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 (Taiwan), Ministry of Foreign Affairs, Republic of China (1960-11-01). "Taiwan's Growing Pineapple Industry - Taiwan Today" [Lumalagong Industriya ng Pinya sa Taywan - Taywan Ngayon]. Taiwan Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-07-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ 5.0 5.1 "Pineapple cakes boost Taiwan's rural industries" [Mga pinyang keyk, pinapalakas ang mga industriya sa kanayunan ng Taywan]. www.fftc.agnet.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-01-08. Nakuha noong 2017-07-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Who's Who of Taiwan's Pineapple Cake Industry" [Mga Kilalang Tao sa Industriya ng Pinyang Keyk sa Taywan]. City543 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-07-22.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 黃紫緹 (2014-07-04). "Pineapple Cake Festival to Take Place Next Weekend" [Pista ng Pinyang Keyk na Magaganap sa Susunod na Linggo]. tcgwww.taipei.gov.tw (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-07-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 黃紫緹 (2011-08-18). "Pineapple Cake Fiesta Kicks off in Taipei" [Pista ng Pinyang Keyk sa Taipei, Nag-umpisa]. english.gov.taipei (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-07-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Pineapple Cake Chronicles - Taiwan Business TOPICS" [Ang Mga Kronika ng Pinyang Keyk - Mga PAKSANG Negosyo sa Taywan]. Taiwan Business TOPICS (sa wikang Ingles). 2016-01-29. Nakuha noong 2017-07-22.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)