Pumunta sa nilalaman

Piyer

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang piyer o pier ay isang kayarian o istrakturang nakaangat, kabilang ang tulay at mga suportang panggusali at mga landas na lakaran, na karaniwang sinusuportahan ng malawakang ikinalat na mga pilote o trosong pang-istaka o mga haligi. Ang mas magaan ng kayarian ng isang piyer ay nagpapahintulot sa mga paglaki at pagkati (pagliit) at mga agos ng tubig na dumaloy na halos hindi nagagambala, samantalang ang mas solido o buong pundasyon ng isang plataporma, na nakikilala bilang quay sa Ingles, o ang mga pilote na may mas magkakalapit o mas masinsing mga puwang ng isang wharf ay maaaring gumanap bilang isang pamigil ng tubig, at lumalabas o nagreresulta bilang mas naaapektuhan ng pagkakaroon ng bara dahil sa buhangin, putik, o iba pang mga materyal. Ang mga piyer ay maaaring magkaroon ng iba't ibang sukat at kasalimuotan na maaaring isang payak na kayariang kahoy na may kagaanan hanggang sa pangunahing mga istrakturang umaabot sa mahigit sa 1600 mga metro ang layo habang nasa dagat. Ang mga piyer ay itinatag para sa ilang mga layunin, at dahil sa ang iba't ibang mga layuning ito ay may kani-kaniyang pangrehiyong mga pagkakaiba, ang katagang piyer ay maaaring magkaroon ng iba't ibang uri ng kahulugan sa iba't ibang mga bahagi ng mundo. Katulad ng sa Hilagang Amerika at sa Australya, kung saan ang maraming mga piyer na itinayo batay sa maramihang mga huwarang piyer, maliban na lamang sa kamakailang paggamit, ang katagang piyer ay may gawi na magpahiwatig ng isang pangkasalukuyan o dating pasilidad ng nangangasiwa ng mga kargo o kargada. Sa Europa naman, ang mga piyer ay mas kadalasang gumagamit ng mga basin at mga quay na nasa tabing-ilog, at ang kataga ay pangunahing may kaugnayan sa imahe ng isang Victorianong aliwang piyer na yari sa bakal. Subalit, ang pinaka maagang mga piyer ay nauna pa kaysa sa panahong Victoriano.

Arkitektura Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.