Pumunta sa nilalaman

Planetang klasiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang planetang klasiko ay isang bagay na astronomikal na nakikita ng hubad na mata at gumagalaw sa kalangitan at sa likuran nitong tila nakapirming mga bituin (ang karaniwang mga bituin na waring hindi gumagalaw kung ihahambing sa mga planeta), at lumilitaw bilang mga gumagalang bituin. Nakikita ng tao mula sa Daigdig ang pitong planetang klasiko. Ang mga ito, mula sa pinakamaliwanag hanggang sa pinakamahina, ay ang Araw, ang Buwan, Benus, Hupiter, Merkuryo, Marte, at Saturno.

Itinala ng mga Griyegong astronomo gaya nina Gemino[1] at Ptolemeo[2] ang mga planetang klasiko noong panahong klasiko, at ipinakilala ang katawagang planeta, na nangangahulugang "pagala" sa Griyego (πλάνης planēs at πλανήτης planētēs), na nagpapahayag na ang mga bagay na ito ay gumagalaw sa kalangitan kung ihahambing sa nakapirming mga bituin.[3][4] Kaya’t ang mga Griyego ang unang nagdokumento ng mga ugnayang astrolohikal batay sa anyong nakikita ng mga planeta.[5]

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga teleskopyo ay natuklasan ang iba pang bagay na pangkalangitan na katulad ng mga planetang klasiko, simula sa mga buwan ni Galileo noong 1610. Sa kasalukuyan, ibang-iba na ang kahulugan ng salitang planeta, ito'y tumutukoy sa isang likas na satelayt na umiikot nang direkta sa Araw (o ibang mga bituin) at nakapaglinis ng sariling orbita. Dahil dito, lima na lamang sa pitong planetang klasiko ang kinikilalang planeta, kasama ang Daigdig, Urano, at Neptuno.

Kinilala ng mga Babilonya ang pitong planeta. Isang bilingguwal na tala sa Museong Britaniko ang nagtatala ng pitong planetang Babilonya sa sumusunod na pagkakasunud-sunod:[3]

  • Ang Buwan, Sin.
  • Ang Araw, Shamash.
  • Hupiter, Merodach.
  • Benus, Ishtar.
  • Saturno, Ninip.
  • Merkuryo, Nebo.
  • Marte, Nergal.

Sa Mandeismo, ang mga pangalan ng pitong planeta ay hinango mula sa pitong planetang Babilonya.[4] Sa kabuuan, ang pitong planetang klasiko (Mandaikong klasiko: ࡔࡅࡁࡀ, romanisado: šuba, lit. na'Ang Pito'; ࡔࡉࡁࡉࡀࡄࡉࡀ šibiahia, "mga planeta"; or, combined, šuba šibiahia "Pitong Planeta"[5]) ay karaniwang hindi tinitingnan nang positibo sa Mandeismo, sapagkat bahagi sila ng kasamahan ni Ruha, ang Reyna ng Daigdig ng Kadiliman na siya ring kanilang ina. Gayunpaman, sa indibiduwal na antas, may ilang planeta na maaaring maiugnay sa magagandang katangian. Ang mga pangalan ng pitong planeta sa Mandaiko ay hiniram mula sa wikang Akkadiyo.[4] Ang ilan sa mga pangalang ito ay nagmula pa sa Sumerya, yamang maraming pangalan ng diyos ang inangkat ng Akkadiyo mula sa Sumerya.

Sinasabing ang bawat planeta ay dinadala sa isang sasakyang-dagat. Makikita ang mga guhit ng mga sasakyang-dagat na ito sa iba’t ibang kasulatan ng mga Mandeo, gaya ng Diwan Abatur. Nakatala ang mga planeta ayon sa tradisyunal na pagkakasunud-sunod ng Mandeo sa mga planeta, gaya ng nabanggit kay Masco (2012).[6]:87

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Goldstein, Bernard R. (2007), "What's New in Ptolemy's Almagest", Nuncius (sa wikang Ingles), 22 (2): 271, doi:10.1163/221058707X00549
  2. Pedersen, Olaf (2011), A Survey of the Almagest, Sources and Studies in the History of Mathematics and Physical Sciences (sa wikang Ingles), New York / Dordrecht / Heidelberg / London: Springer Science + Business Media, ISBN 978-0-387-84825-9
  3. Mackenzie (1915). "13 Astrology and Astronomy". Myths of Babylonia and Assyria (sa wikang Ingles).
  4. 1 2 Bhayro, Siam (2020-02-10). "Cosmology in Mandaean Texts". Hellenistic Astronomy (sa wikang Ingles). Brill. pp. 572–579. doi:10.1163/9789004400566_046. ISBN 9789004243361. S2CID 213438712. Nakuha noong 2021-09-03.
  5. Nasoraia, Brikha H.S. (2021). The Mandaean gnostic religion: worship practice and deep thought (sa wikang Ingles). New Delhi: Sterling. ISBN 978-81-950824-1-4. OCLC 1272858968.
  6. Masco, Maire (2012). The Mandaeans: Gnostic astrology as an artifact of cultural transmission (sa wikang Ingles). Tacoma, WA: Fluke Press. ISBN 978-1-938476-00-6. OCLC 864905792.