Pumunta sa nilalaman

Pneumothorax

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pneumothorax
Ipinapakita ng X-ray ng dibdib ang pneumothorax sa kanan (kaliwa sa larawan), na kung saan itinuturo ng palatandaang pangbaga ang libreng hangin sa loob ng dibdib
Isang malaking kanang bahagi ng baga na may pneumothorax (kaliwan sa larawan). Itinuturo ng panuro ang kanto ng bumabaksak na baga
EspesyalidadEmergency medicine, pulmonology, thoracic surgery Edit this on Wikidata

Ang Pneumothorax (mr. pneumothoraces) ay isang abnormal na pangongolekta ng hangin sa ispasyong pleural na naghihiwalay sa baga mula sa pader ng dibdib, at maaaring makasagabal sa normal na paghinga.

Isa na rito ang primaryang pneumothorax na nangyayari kahit na walang dahilan o kahit na malalang sakit sa baga, subalit nangyayari naman ang sekundaryang pneumothorax sa pagkakaroon ng dati nang patolohiya sa baga. Kadalasan, tumataas ang kabuoan ng hangin sa baga kapag nabuo ang isahang daan na balbula dahil sa pagkasira ng tisyu na maaaring magresulta sa tension pneumothorax. Isang emerhensiyang medikal ang kondiyong ito na maaaring magresulta sa pagkaubos ng oksiheno at mababang presyon ng dugo.[1][2] Kapag hindi pa tuluyang nagamot ang pasyente, maaaring magresulta ito ng kamatayan.[3]

Maaaring magkaroon ng Pneumothoraces sa pamamagitan ng pisikal na trauma sa dibdib (tulad na lamang ng sugat mula sa pagsabog), o isang komplikasyon ng pagsingit sa medikal o surhikal. Kasama sa mga simtomas nito ang pananakit ng dibdib at kakulangan sa paghinga.[4] Mahirap o inkonklusibo na ang diyagnosis ng isang pneumothorax sa pamamagitan ng pisikal na pagsusulit (partikular na lamang sa maliit na pneumothoraces), kaya maaari lamang malaman ng X-ray sa dibdib o saktong topograpiya ang presenya ng sakit na ito.

Maaari namang magamot ang maliit na pneumothoraces kahit na walang paggamot subalit nangangailangan lamang ng pagbabantay. Pinakaangkop na gawin ito sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng malakihang sakit sa baga. Sa malakihang pneumothoraces, o kapag may konkreto nang sinyales at/o simtomas, maaaring kunin ang hangin sa pamamagitan ng syringe o ng isang tubong pang-dibdib na nakakonekta sa isahang daanang balbula. Kadalasan, kinakailangan lamang ng pagsingit sa surhikal kapag hindi matagumpay ang pag-aalsi sa pamamagitan ng tubo, o bilang paunang lunas, kung paulit-ulit na lamang nagaganap ang buong proseso.[5] Kadalasang ginagamit ang pleurodesis (na kung saan binabawasan ang patong ng pleura para magsama) o pleurectomy (ang surhikal na pagtatanggal ng membranong pleural) sa mga surhikal na paggamot.[6][7]

  1. Tschopp JM, Rami-Porta R, Noppen M, Astoul P (2006). "Management of spontaneous pneumothorax: state of the art". European Respiratory Journal. 28 (3): 637–50. doi:10.1183/09031936.06.00014206. PMID 16946095. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-03. Nakuha noong 2012-06-19. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. Noppen M, De Keukeleire T (2008). "Pneumothorax". Respiration. 76 (2): 121–7. doi:10.1159/000135932. PMID 18708734.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Leigh-Smith S, Harris T (2005). "Tension pneumothorax—time for a re-think?". Emergency Medicine Journal. 22 (1): 8–16. doi:10.1136/emj.2003.010421. PMC 1726546. PMID 15611534. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. MacDuff A, Arnold A, Harvey J, BTS Pleural Disease Guideline Group (2010). "Management of spontaneous pneumothorax: British Thoracic Society pleural disease guideline 2010". Thorax. 65 (8): ii18–ii31. doi:10.1136/thx.2010.136986. PMID 20696690. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Robinson PD, Cooper P, Ranganathan SC (2009). "Evidence-based management of paediatric primary spontaneous pneumothorax". Paediatric Respiratory Reviews. 10 (3): 110–7. doi:10.1016/j.prrv.2008.12.003. PMID 19651381. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. Levine DJ, Sako EY, Peters J (2008). Fishman's Pulmonary Diseases and Disorders (ika-4th (na) edisyon). McGraw-Hill. p. 1520. ISBN 0-07-145739-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  7. Light RW (2007). Pleural diseases (ika-5th (na) edisyon). Lippincott Williams & Wilkins. p. 307. ISBN 0-7817-6957-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)