Pumunta sa nilalaman

Pokémon Platinum

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pokémon Platinum
pabalat ng Pokémon Platinum para sa Hilagang Amerika, na itinatampok ang Legendary Pokémon na si Giratina sa kanyang orihinal na anyo.
NaglathalaGame Freak
Nag-imprentaNintendo, The Pokémon Company
Prodyuser
  • Junichi Masuda Edit this on Wikidata
DisenyoSatoshi Tajiri (executive producer)
Junichi Masuda (director)
SeryePokémon series
EngineModified Pokémon Diamond and Pearl engine
PlatapormaNintendo DS
DyanraRole-playing video game
ModeSingle-player, multiplayer, online multiplayer

Pokémon Platinum Version (ポケットモンスタープラチナ, Poketto Monsutā Purachina, "Pocket Monsters: Platina") ay ikatlong laro ng Pokémon sa ikaapat na henerasyon. Ito ay nilikha ng Game Freak at inilathala naman ng Nintendo para sa konsolang Nintendo DS. Ito ay pinahusay na muling paggawa ng Pokémon Diamond and Pearl. Ang mga larong ito ay unang nakita noong 11 Mayo 2008 sa magasin ni CoroCoro na ibinuking sa Internet. Ang larong ito ay isang role-playing game na inilabas sa Hapon noong 13 Setyembre 2008, 22 Marso 2009 sa Hilagang Amerika, 14 Mayo 2009 sa Australya at 22 Mayo 2009 naman sa Europa.

Mga Pagbabago mula sa Diamond at Pearl

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Si Lucas, Dawn at si Barry ay nagbago ang kanilang mga suot dahilan nang pagbago ng temperatura ng Rehiyon ng Sinnoh.
  • Ang Pokétch ay muling idinisenyo. Ang manlalaro ay pinapayagan na pabalikin at pasulong ang mga apps sa halip na papasulungin muna ang lahat ng mga apps para makabalik sa isa pang apps katulad sa Pokémon Diamond at Pearl.
  • Iba sa mga move ay muling naidesenyo ang kanilang mga animasyon katulad ng move na Razor Leaf at Spacial Rend.
  • Dito ang mga Gym Leader, si Barry at iba pang mga tagasanay ang kanilang mga trainer sprites ay animadong gumagalaw na.
  • Iba sa mga tagasanay ay gumagamit na ng mga Seals.
  • Kapag ang manlalaro ay nagsimulang kalabanin ang Pokémon na si Giratina sa Distortion World, sa halip na sabihin ng laro na "A wild Giratina appeared!", ipinapakita nito "The Distortion World's GIRATINA appeared!".
  • Ang Battle Menu ay muling idinisenyo.
  • Ang manlalaro ay matatagpuan si Propesor Rowan pati ang kanyang assistant at makukuha ng manlalaro ang kanyang Pokémon sa Route 201.
  • Parehong magpapakita si Dialga at si Palkia sa Spear Pillar, ganun din si Giratina sa harapan ni Cyrus.
  • Ang Bayan ng Twinleaf at ang katabing ruta ay meron ng mga niyebe.
  • Ang manlalaro ay pwede nang pagpalitin ang anyo ni Shaymin mula sa Land Form ay pwede na itong gawing Sky Form.

Mga Katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pokémon Watch (ポケモンウォッチ Pokémon Watch) o mas kilala sa tawag na Pokétch (ポケッチ Pokétch) ay isang personal na kagamitan na ginawa ng The Pokétch Company para sa mga tagasanay ng Rehiyon ng Sinnoh, sa anyo na parang Relo na Touch Screen. Ito ay may iba't ibang mga apps at parang katulad lang ito ng C-Gear sa Rehiyon ng Unova. Sa laro makikita ito sa screen ng Nintendo DS sa ibaba habang ang manlalaro ay naglalakad sa buong paligid.

Pokémon Super Contest

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pokémon Super Contest ay isang pinalawak na pormat ng Pokémon Contest para sa mga laro ng ikaapat na henerasyon, kasama na ang Diamond at Pearl at Platinum. Dito ang Pokémon ay ginagrado ang kanilang itsura at ang kanilang pagganap sa stage kaysa sa kanilang mga lakas. Iba ito sa mga nakaraang mga kompetisyon sa mga laro ng Pokémon. Sila ay dumadaan sa apat na rangkahan na may parehong mga kategorya: Cool, Beauty, Cute, Smart at Tough.

Mga Lokasyon sa Laro

[baguhin | baguhin ang wikitext]
text
Mapa ng Rehiyon ng Sinnoh sa loob ng laro
text
Likhang sining ng mapa ng Rehiyon ng Sinnoh sa Pokémon Platinum

Mga Bayan at Siyudad

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Twinleaf Town
  • Sandgem Town
  • Jubilife City
  • Oreburgh City
  • Floaroma Town
  • Eterna City
  • Hearthome City
  • Solaceon Town
  • Veilstone City
  • Pastoria City
  • Celestic Town
  • Canalave City
  • Snowpoint City
  • Sunyshore City
  • Pokémon League
  • Fight Area
  • Survival Area
  • Resort Area

Unang inanunsyo ng Nintendo Japan ang Pokémon Platinum noong Mayo 15, 2008 bilang kasunod ng Pokémon Diamond and Pearl. [1] Ipinalabas din ito sa bansang Hapon noong Setyembre 13, 2008,[2] at inabot lang ng tatlong araw para makabenta ng isang milyong yunit. [3] Ipinalabas din ang laro sa Hilagang Amerika noong Marso 22, 2009,[4] sa Australya noong Mayo 14, 2009,[5] at sa Europa noong Mayo 22, 2009.[6]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Tanaka, John (2008-05-15). "Pokemon Platinum Announced". IGN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Pokemon Platinum Dated For Japan". Kotaku (sa wikang Ingles). 2008-07-11. Nakuha noong 2022-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Tanaka, John (2008-09-17). "Pokemon Platinum Goes Platinum in Japan". IGN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Staff, I. G. N. (2009-03-16). "Pokemon Platinum Version Makes Its U.S. Debut". IGN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Pokemon Platinum Dated For Australia". Kotaku Australia (sa wikang Ingles). 2009-04-28. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-29. Nakuha noong 2022-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Pokémon Platinum for Europe". SPOnG (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)