Pumunta sa nilalaman

Pomme

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pomme
ᜉᜓᜋ᜔
Pomme, nagtatanghal nang live sa Paris, noong Enero 2020.
Kapanganakan (1996-08-02) 2 Agosto 1996 (edad 28)
Trabaho
  • Mang-aawit
  • manunulat ng awitin
  • musikera
Karera sa musika
Genre
Instrumento
  • Boses
  • gitara
  • autoharp
  • tselo
  • omnichord
  • glockenspiel
  • double bass
Taong aktibo2014–kasalukuyan
LabelPolydor
Websitepommemusic.fr

Si Claire Pommet (Pagbigkas sa Pranses: [klɛʁ pɔmɛ]; ipinanganaganak noong Agosst 2, 1996), kilala sa pangalang Pomme (Pranses: [pɔm]), ay isang mang-aawit, manunulat ng awitin, at musikera mula sa Pransiya.

Lumaki si Claire Pommet sa lugar ng Lyon. Natutunan niya ang teorya ng musika sa anim na taong gulang, pitong taong gulang naman noong sumali siya sa korong pambatang 'La Cigale de Lyon', at natuto tumugtog ng tselo sa gulang na 8.[1] Nagpa-plawta ang kanyang ina, habang ang kanyang ama, isang real estate agent, ay nakinig kina Michael Polnareff, Serge Reggiani, at Charles Aznavour. Isa sa mga kaibigan ng kanyang ama ay nagpakilala sa kanya ng folk, at country music.[1][2] Tinuruan niya ang kanyang sarili at naglalabas ng mga bidyo sa YouTube.

Noong Septyembre 2017, sa gulang na 21, unang pagkakataon siyang nagtanghal sa La Boule Noire, Paris. Noong Oktubre, nagbitaw siya ng kanyang kaunaunahang chanson française na album, pinangalanang À peu près, nailarawan ito ni Salome Rouzerol-Douglas sa Le Figaro bilang paghahalo ng pop at folk, "very encouraging" ika ni Gilles Renault sa Libération, habang si Marie-Catherine Mardi ng RFI ay nagsabing "the lyrics do not convince [in their entirety]" ("[sa kalahatan], hindi nakakakumbinsi ang mga liriko.) ngunit pinuri ang boses ni Pommet.[1][2][3][4][5] Binibigyang diin ng mga mamamahayag ng Libération at Le Figaro ang husay ng kanyang mga live na pagtatanghal.

Si Pomme ay nagtanghal sa unang parte ng Asaf Avidan tour noong taglagas ng 2017.[5] Noong Pebrero 2018, nagtanghal siya sa Café de la Danse sa Paris, matapos magtanghal bilang opening act para sa Louane and Vianney,[3] at naging agaw-atensyon sa Cigale noong kalagitnaan ng 2018 at sa La Trianon sa unang bahagi ng 2019.[6]

Ang mga lirikong kanyang sinusulat ay kadalasang tungkol sa pag-ibig, kamatayan, at "mga sitwasyong pang-araw-araw na humahantong sa romantisismo".[1][3] Ang pag-ibig, sa kanyang mga liriko, ay hindi lamang heterosekswal, ngunit bisekswal o homosekswal din. Gumawa siya ng awiting para sa isang mang-aawit mula Québec na si Safia Nolin, na dati ay kanyang kasintahan.[1] Ipinaliwanag niya sa Télérama: "Komportable ako sa aking homosekwalidad, halimbawa nito ay ang paggamit ko ng mga pambabaeng panghalip sa aking mga awitin. Sa tingin ko ay mahalaga ito, dahil na rin sa dami ng mga mensaheng pagpapasalamat na natatanggap ko. Bilang isang lalabintaunin, ninais ko ring makilala ang sarili ko sa mga mangaawit na lesbiana".[6]

Noong 2020, napanaluhan niya ang gantimpalang Victoires de la Musique para sa album révélation ("baguhang album") ng taon, kasama ng kanyang studio album na Les failles.[7] Noong 2021, siya ay nakoronahang artiste féminine ("babaeng alagad ng sining") ng taon.[8]

Mga studio album

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pamagat Mga Detalye Pinakamataas na mga posisyon sa tsart
FR
[9]
BEL
(Wa)
[10]
AUT
[11]
À peu près 91 200
Les failles
  • Inilabas: November 1, 2019
  • Label: Polydor
  • Mga Format: CD, digital download, pagsi-stream, vinyl
68 87
Les failles cachées
  • Inilabas: February 14, 2020
  • Label: Polydor
  • Mga Format: CD, digital download, pagsi-stream, vinyl
Les failles cachées (halloween edition)
  • Inilabas: October 30, 2020
  • Label: Polydor
  • Mga Format: CD, digital download, pagsi-stream, vinyl

Mga pinahabang pagtutugtog

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pamagat Detalye ng EP
En cavale
  • Inilabas: January 1, 2016
  • Label: Polydor
  • Mga Format: CD, digital download, streaming
A Peu Près - Sessions Montréalaises
  • Inilabas: April 21, 2018
  • Label: Polydor
  • Format: vinyl
Pamagat Taon Pinakamataas na mga posisyon sa tsart Album
BEL
(Wa)
[10]
"Okay" (Matthieu Mendès feat. Pomme) 2013 57 Echo
"J'suis pas dupe" 2015 66 En Cavale
"Même robe qu'hier" 2017 76 À peu près
"Mon frère" (Rough Version) 2018 Non-album single
"De là-haut" (Radio Remix) À peu près
"J'attends" (feat. Ben Mazué) Les femmes idéales
"2019" 2019 Non-album single
"Je sais pas danser" Les failles
"Anxiété"
"Ma meilleure ennemie" 2024 1 Arcane League of Legends: Season 2 (Soundtrack from the Animated Series)

Mga Music video

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pamagat Taon Album (Mga) Direktor
"J'suis pas dupe" 2015 En cavale Sébastien Brodart
"Je t'emmènerais bien" Non-album single
"En cavale" En cavale
"Jane & John"
"Sans toi" 2016
"De là-haut" 2017 À peu près Marta Bevacqua
"A Lonely One"
"On brûlera"
"Pauline"
"Je sais pas danser" 2019 Les failles Vladimir Féral
"Anxiété" Hugo Pillard
  • Ang impormasyon hinggil sa mga direktor ay kinuha mula sa bawat video description sa YouTube.[12]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Bonnaud, Maguelone (Enero 13, 2019). "Concert: on craque pour Pomme". Le Parisien (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 29, 2019. Nakuha noong 2019-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Renault, Gilles (Oktubre 9, 2017). "Pomme, le fruit détendu". Libération (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 30, 2019. Nakuha noong 2019-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Rouzerol-Douglas, Salomé (Pebrero 24, 2018). "La voix est libre pour la chanteuse Pomme". Le Figaro (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 2, 2019. Nakuha noong 2019-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Onirisme et grands frissons avec Pomme à la Boule Noire". RockNfool (sa wikang Pranses). Setyembre 19, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 30, 2019. Nakuha noong 2019-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Mardi, Marie-Catherine (Disyembre 12, 2017). "L'ascension soyeuse de Pomme". RFI Musique (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 29, 2019. Nakuha noong 2019-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Lehoux, Valérie (Enero 28, 2019). "Pomme: "Ado, j'aurais aimé pouvoir me reconnaître dans des chanteuses lesbiennes"". Télérama (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 21, 2019. Nakuha noong 2019-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Victoires de la musique : Les Failles de Pomme, album révélation". Le Figaro (sa wikang Pranses). 2020-02-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-20. Nakuha noong 2020-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Victoires de la Musique : Pomme sacrée meilleure artiste féminine de l'année". Le Figaro (sa wikang Pranses). 2021-02-13. Nakuha noong 2021-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. "Pomme discography". lescharts.com. Hung Medien. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 30, 2018. Nakuha noong 2019-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "Discographie Pomme". ultratop.be. Hung Medien. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 22, 2019. Nakuha noong 2019-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Pomme - Les failles". hitparade.ch. Hung Medien. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 22, 2019. Nakuha noong 2019-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "PommeMusic". YouTube (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]