Pumunta sa nilalaman

Ponte Sisto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ponte Sisto

Ang Ponte Sisto ay isang tulay sa sentrong pangkasaysayan ng Roma, na tumatawid sa ilog Tiber. Ikinokonekta nito ang Via dei Pettinari sa Rione ng Regola sa Piazza Trilussa sa Trastevere. Ang pagtatayo ng kasalukuyang tulay ay nangyari sa pagitan ng 1473 at 1479, at ikinomisyon ni Pope Sixto IV (r. 1471-84), na pagkatapos ay pinangalanan ito, mula sa arkitektong si Baccio Pontelli, na muling ginamit ang mga pundasyon ng isang dating Romanong tulay, ang Pons Aurelius, na nawasak noong maagang Gitnang Kapanahunan. Sa kasalukuyan ang trapiko sa tulay ay mahigpit para sa paglalakad lamang. (Ayon sa History of the Papacy ni Mandell Creighton, ang Ponte Sisto ay itinayo mula sa mga bloke mula sa Koliseo. Dagdag dito, nasa isipan ni Sixto ang kalamidad na nangyari sa Hubileo ng 1450 sa pagsisikip ng Bridge of S. Angelo, na tanging magagamit na paraan ng paglalakad papunta sa Basilika ni San Pedro.)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]