Ang Pokemon (Hapon:ポケットモンスター) ay isang serye ng mga anime, elektronikong laro, at iba pa. Ito ay sinumulan ni Satoshi Tajiri noong 1996 na naisip niya dahil isa siyang insect collector ng bata pa siya. Ang Pokemon ay isang salitang pinaikli para sa Pocket monsters.
Si Pikachu ay isa sa mga piksyunal na nilalang ng Pokémon mula sa prangkisa ng Pokémon—isang koleksiyon ng mga larong bisyo, anime, manga, aklat, trading cards at iba pa na ginawa ni Satoshi Tajiri. Tulad ng lahat ng mga Pokémon, si Pikachu ay nakikipaglaban sa ibang mga Pokémon sa mga laban na sentral na tema ng mga anime, manga at video games ng Pokémon. Si Pikachu ang pinakakilalang Pokémon marahil dahil sa pagiging bida nito sa anime ng Pokémon. Si Pikachu ang pinakapopular na Pokémon, ang opisyal na mascot ng prangkisa ng Pokémon, at ang naging simbulo ng kulturang Hapon sa mga nakalipas na taon.
Sa piksyunal na mundo ng Pokémon, madalas makita si Pikachu sa mga bahay, gubat, kapatagan, at kung minsan ay sa mga bundok, isla, at mga pinagmumulan ng kuryente (tulad ng mga power plant). Bilang isang “Electric-type” na Pokémon, nakapag-iimbak ito ng kuryente sa kanyang mga pisngi at inilalabas ito sa mga atakeng base sa kidlat.