Pumunta sa nilalaman

Práxedes Mateo Sagasta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Práxedes Mateo Sagasta
Litrato ni Práxedes Mateo Sagasta
Kapanganakan21 Hulyo 1825(1825-07-21)
Kamatayan(1903-01-05)Enero 5, 1903
NasyonalidadKastila

Si Práxedes Mateo Sagasta[1] (1825-1903), sinilang noong 21 Hulyo 1825 sa Torrecilla en Cameros Logroño, La Rioja, Espanya at namatay noong 5 Enero 1903 sa Madrid. Isa siyang politikong Kastila na naging pangulo ng pamahalaan sa apat na pagkakataon sa pagitan ng 1870 at 1902 bilang kinatawan ng Partidong Liberal, at bilang kasali rin sa turno pacifico (turnong pasipiko) o "tahimik na paghahalinhinan sa katungkulan"[2] kasama ni Antonio Cánovas del Castillo. Nalalamang mayroon siyang labis na kakayahan sa pagtatalumpati. Isa siyang liberal na punong ministro.[1]

Bilang kasapi ng partidong progresibo habang isang estudyante sa Paarang Pang-inhinyeriya ng Madrdi noong 1848, siya lamang ang natatanging mag-aaral sa eskuwelahan na tumanggi sa paglagda ng isang liham na tumatangkilik kay Reyna Isabel II. Matapos ang kaniyang mga pag-aaral, naging aktibo siya sa pagganap sa mga gawaing pampamahalaan.

Nanilbihan siya sa Kortes ng Espanya sa pagitan ng 1854-1857 at 1858-1863. Noong 1866 lumikas siya patungong Pransiya makaraan ang bigong kudeta, na nagbalik sa Espanya noong 1868 upang makilahok sa pamahalaang probisyonal na nalikha matapos ang Rebolusyong Kastila noong 1868.

Si Sagasta ang Punong Ministro ng Espanya noong panahon ng Digmaang Kastila-Amerikano ng 1898, at noong panahon kung kailan nawala na sa kamay ng Espanya ang mga natitira pa nitong mga kolonya. Sinikap niyang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng Espanya at ng Estados Unidos, isang pakikipag-ugnayan na nahatid pa rin sa hidwaan.[1] Pumayag si Sagasta sa isang konstitusyong awtonomo kapwa para sa Cuba at Puerto Rico. Tinanaw ng mga kalaban sa politika ni Sagasta na isang pagtataksil sa Espanya ang kaniyang ginawang ito at sinisi siya sa pagkatalo ng bansa sa digmaan at sa pagkawala ng mga teritoryong kapuluan nito makalipas ang Tratado ng Paris noong 1898.

  1. 1.0 1.1 1.2 Karnow, Stanley (1989). "Práxedes Mateo Sagasta". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. English, Leo James (1977). "Turno, paghahalinhinan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]