Pumunta sa nilalaman

Primitivo Mijares

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Primitivo Mijares
Larawan ng kasalan nina Primitivo Mijares at Priscilla Mijares
Kapanganakan
Primitivo Medrana Mijares

17 Nobyembre 1931(1931-11-17)
Naglaho1977 (edad 45–46)
Ibang pangalan"Tibo"
EdukasyonLyceum of the Philippines University
Kilala saTumestigo laban sa mga katiwalian at mga ilegal na gawain ng diktaduryang Ferdinand at Imelda Marcos
AsawaPriscilla Mijares, Virginia Concha (k. 1969)
Anak4
MagulangJose Malatag Mijares

Si Primitivo "Tibo" Medrana Mijares[1] (Nobyembre 17, 1931 – Naglaho noong 1977) ay isang mamamahayag na Pilipino at dating tagasupil ng media sa Pilipinas at propagandista ni Ferdinand Marcos. Isa siyang reporter sa Philippines Daily Express noong administrasyon ni Ferdinand Marcos. Noong Oktubre 23,1974, si Mijares ay tumakas sa Pilipinas papuntang Estados Unidos at kumalas sa administrasyon ni Marcos noong Pebrero 5, 1976. Siya ay tumestigo sa mga pagmamalupit at katiwalian sa pamahalaan ni Ferdinand Marcos. Huling nakita si Mijares noong Enero 1977 na nakasakay sa isang eroplano papuntang Pilipinas mula Guam kasama ni Fabian Ver at pamangkin ni Querube Makalintal. Kanyang isinulat ang aklat na The Conjugal Dicatorship of Ferdinand and Imelda Marcos noong 1976 na naglalaman ng personal na salaysay sa mga katiwalian ng mag-asawang Ferdinand at Imelda Marcos sa Pilipinas.

Si Mijares ay naging editor ng Baguio Midland Courier noong 1950 at ng Manila Chronicle noong 1951. Naging malapit siya kay Ferdinand Marcos pagkatapos ng kanyang artikulo tungkol kay Marcos. Kalaunan, sumulat siya ng mga Artikulo sa pahayagan na humihikayat sa mga mamamayang Pilipino na kailangan ng Batas Militar at naglabas ng isang press release tungkol sa pananambang diuamano kay Juan Ponce Enrile bago pa man ito maganap. Kalaunan ay hinirang siya ni Marcos na tagapagulat ng Pangulo sa Philippines Daily Express pagkatapos ng muling pagbubukas nito pagkatapos na ideklara ang Martial Law noong 1972.[2]

Nang itatag ni Marcos ang Konsehong Tagapayo sa Media noong 1975, ang posisyong ex-officio ng chairman ay dapat hirangin ng National Press Club.[3] Dahil sa payo ni Marcos, si Mijares ay tumakbo para sa posisyon at nanalo dahil wala siyang kalaban.[2]

Nilisan niya ang Pilipinas tungo sa Estados Unidos noong Oktubre 23, 1974. Noong Pebrero 5, 1975, hayagan siyang kumalas sa pamahalaan ni Marcos.[4]

Noong Hunyo 17, 1975, si Mijares ay nakatakdang humarap sa Kongreso ng Estados Unidos upang tumestigo tungkol sa mga katiwalian, panunuhol at mga pandaraya ng pamahalaan ni Marcos. Noong gabi bago siya humarap sa Kongreso, si Ferdinand Marcos ay tumawag sa kanya mula sa Pilipinas na humihikayat sa kanyang huwag tumestigo at sinuhulan siya ni Guillermo de Vega sa telepono ng US$50,000 (equivalent to US$232,808 in 2018) upang huwag tumestigo. Nang sumunod na araw, si Mijares ay muling sinuluhan ng Consul General ng Pilipinas sa Estados Unidos na si Trinidad Alconel ng US$100,000 upang huwag tumestigo (equivalent to US$465,615 in 2018).[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Primitivo 'Tibo/Tibong' Medrana Mijares". Geni.
  2. 2.0 2.1 "Former Philippine official tells of corruption in Marcos regime". Reno Gazette-Journal. 1975-06-05. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-29. Nakuha noong 2021-09-29 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Marcos, Ferdinand (1973-05-11). "Presidential Decree No. 191, s. 1973". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-29. Nakuha noong 2021-09-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Marcos Denies Bribe Officer". Hawaii Tribune-Herald. 1975-06-07. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-29. Nakuha noong 2021-09-29 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Frederick, Sherman (1976-08-13). "Anti-Marcos Filipinos Continue Resistance". Arizona Daily Sun. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-29. Nakuha noong 2021-09-29 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)