Prinsipyong Hardy-Weinberg
Ang prinsipyong Hardy–Weinberg (na kilala rin bilang Hardy–Weinberg equilibrium, model, theorem, o law) ay nagsasaad na ang mga prekwensiya ng allele at genotype sa isang populasyon ay nananatiling hindi nagbabago sa bawat henerasyon sa kawalan ng mga impluwensiyang ebolusyonaryo. Ang mga impluwensiyang ebolusyonaryong ito ay kinabibilangan ng hindi random na pagpaparami, mutasyon, natural na seleksiyon, gene flow, at meiotic drive. Dahil ang isa o higit pa sa mga impluwensiyang ito ay tipikal na umiiral sa mga tunay na populasyon, ang prinsipsyong ito ay naglalarawan ng isang kanais nais na kondisyon laban sa mga epektong ang mga impluwensiyang ito ay masisiyasat. Sa pinakasimpleng kaso ng isang locus na may dalawang mga allele na tinutukoy na A at a na may mga prekwensiyang respektibong f(A) = p at f(a) = q, ang inaasahang mga prekwensiya ng genotypa ay f(AA) = p2 para sa mga AA homozygote, f(aa) = q2 para sa mga aa homozygote, at f(Aa) = 2pq para sa mga heterozygote. Ang mga proporsiyong genotype na p2, 2pq, and q2 ay tinatawag na mga proporsiyong Hardy-Weinberg proportions. [p + q = (p + q)2 = p2 + 2pq + q2 = 1]. Kung ang pagsasanib ng mga gamete upang lumikha ng susunod na henerasyon ay random, maipapakita na ang bagong prekwensiyang f′ ay sumasapat sa at na ang mga prekwensiya ng allele ay hindi nagbabago sa pagitan ng mga henerasyon. Ang prinsipyong ito ay ipinangalan kina G. H. Hardy at Wilhelm Weinberg na nagpakita ng prinsipyong ito nang matematikal.