Pumunta sa nilalaman

Paglilimbag

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Printer)
Pag-imprinta noong ika-16 dantaon

Ang paglilimbag o pag-imprenta ng dyaryo ay isang proseso para sa muling pagsasagawa ng mga teksto at larawan, karaniwang sa tinta sa papel na ginagamit ang isang palimbagan. Gumagamit ang proseso ng pangunahing huwaran o porma para makagawa ng imprenta. Kadalasang ginagawa ito sa isang malawakang prosesong pang-industriya, at isa sa mga mahahalagang bahagi ng paglilimbag at transaksyong paglilimbag.

Ang pinakaunang hindi papel na mga produkto na kinakasangkutan ng paglilimbag ay kinabibilangan ng mga selyong silindro (o cylinder seal) at bagay tulad ng Silindrong Ciro at Silindrong Nabonido. Ang pinakaunang kilalang anyo ng pag-imprenta na nilalapat sa papel ay ang pag-imprenta sa bloke ng kahoy, na lumitaw sa Tsina bago ang 220 AD para sa pag-imprenta ng tela. Bagaman, hindi pa ito nailalapat sa papel hanggang noong ikapitong dantaon.[1] Kabilang sa mga sumunod ng pagsulong sa teknolohiya ng pag-imprenta ang tipong lumilipat (o movable type) na inimbento ni Bi Sheng noong mga 1040 AD[2] at ang palimbagan na inimbento ni Johannes Gutenberg noong ikalabing-limang dantaon. Gumanap ng susing papel; ang teknolohiya ng pag-imprenta sa pag-unlad ng Renasimyento at Rebolusyong Siyentipiko at inilatag ang batayang materyal para sa makabagong ekonomiyang nakabatay sa kaalaman at ang pagkalat ng pag-aaral sa masa.[3]

Noong 2005, ang pag-imprentang dihital (tulad ng thermal printer) ay tinatayang nasa 9% ng 45 trilyong pahina na nailimbag kada taon sa buong mundo.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Shelagh Vainker in Anne Farrer (ed), "Caves of the Thousand Buddhas", 1990, British Museum publications, ISBN 0-7141-1447-2 (sa Ingles)
  2. "Great Chinese Inventions". Minnesota-china.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2010. Nakuha noong Hulyo 29, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo December 3, 2010[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  3. Rees, Fran. Johannes Gutenberg: Inventor of the Printing Press (sa Ingles)
  4. "When 2% Leads to a Major Industry Shift Naka-arkibo February 16, 2008, sa Wayback Machine." Patrick Scaglia, August 30, 2007.