Pumunta sa nilalaman

Programang Pagmomodernisa ng Pampublikong Sasakyan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Programang Pagmomodernisa ng Pampublikong Sasakyan
Isang modernong dyipni sa Bacolod
Petsa2017–kasalukuyan
UriPrograma sa transportasyon
DahilanMga alalahanin sa kaligtasan at kalikasan
Badyet₱2.2 bilyon[1]
Organized by

Ang Programang Pagmomodernisa ng Pampublikong Sasakyan ay isang programang inilunsad ng Kagawaran ng Transportasyon ng Pilipinas noong 2017, na may layuning gawing episyente at makakalikasan ang sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa pagsapit ng 2020. Nananawagan ang programa para sa pagwawaksi ng mga dyipni, bus at iba pang pampublikong sasakyan na 15 taon gulang o higit pa at palitan ang mga ito ng mas ligtas, mas komportable at mas makakalikasan na mga alternatibo sa susunod na tatlong taon. Sa kasalukuyan, mayroong 220,000 dyipni na aktibo sa buong bansa.[2]

Ang mga kapalit na sasakyan ay kinakailangang magkaroon ng makina na umaayon sa Euro 4 o higit pa o isang makinang de-kuryente upang mabawasan ang polusyon. Kabilang sa mga minumungkahing pangangailangan ang mga kamerang CCTV, awtomatikong sistema ng pangongolekta ng pamasahe, limitador ng bilis at mga monitor ng GPS.[3]

Tinantiya ng Bangko sa Lupa ng Pilipinas na ang pagpalit ng bawat dyipni ay nagkakahalaga ng ₱1.4 milyon hanggang ₱1.6 milyon.[4] Subalit, kapag 6% ang tasa ng interes at 7 taon ang panahon para bayaran, aabot ng ₱2.1 milyon ang gagastusin para sa isang dyipni.[5]

Kahit positibo ang tingin ng karamihan ng taong-bayan tungkol dito,[6] pinuna ng ilang samahan sa transportasyon ang programa dahil maaaring mauwi ito sa pagkawala ng mga trabaho at negosyo.[7][8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Gov't allots P2.2 billion to subsidize PUV modernization –LTFRB" [Gobyerno, naglaan ng P2.2 bilyon upang masubsidyuhan ang modernisasyon ng PUV]. GMA News Online. Nakuha noong Pebrero 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Talabong, Rambo (Hunyo 19, 2017). "DOTr launches modernization program for jeepneys, buses" [DOTr, naglunsad ng programang pagmomodernisa para sa mga dyipni, bus]. Rappler.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 16, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Francisco, Katerina (Oktubre 16, 2017). "EXPLAINER: What's the reason for the 2-day transport strike?" [PANLIWANAG: Ano ang dahilan para sa 2-araw na transport strike?] (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Jeepney modernization program kicks off next month" [Sisimula ang programang pagmomodernisa ng dyipni sa susunod na buwan]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-22. Nakuha noong 2024-01-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Poe: Math shows operators lose in gov't bid to modernize jeepneys" [Poe: Pinapakita ng matematika, ang mga operador, malulugi sa bid ng gobyerno na isamoderno ang mga dyipni] (sa wikang Ingles). Disyembre 10, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Agaton, Casper Boongaling; Collera, Angelie Azcuna; Guno, Charmaine Samala (2020). "Socio-Economic and Environmental Analyses of Sustainable Public Transport in the Philippines" [Pagsusuring Sosyo-Ekonomiko at Pangkapaligiran ng Likas-kayang Pampublikong Transportasyon sa Pilipinas]. Sustainability (sa wikang Ingles). 12 (11): 4720. doi:10.3390/su12114720.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Why some transport groups oppose jeepney phaseout" [Bakit salungat ang ilang samahang pantransportasyon sa pagwawaksi ng dyipni]. Philstar (sa wikang Ingles). Setyembre 26, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. KG (Setyembre 25, 2017). "Transport group holds strike to oppose jeepney phaseout" [Samahang pantransportasyon, nagwelga kontra sa pagwawaksi ng dyipni]. GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 17, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)