Pumunta sa nilalaman

Propesiya ng Bibliya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Propesiya o hula ng Bibliya ay karaniwang tumutukoy sa paghula ng mga pangyayari sa hinaharap batay sa aksiyon o tungkulin ng isang propeta ng Bibliya.[1] Ang gayong mga talata ay malawak na makikita sa Bibliya sa parehong Lumang Tipan at Bagong Tipan. Para sa mga Hudyo at Kristiyano ang mga hulang ito ay natupad at matutupad at kaya ay nagpapatunay ng pagiging totoo ng Bibliya. Para sa mga skolar at skeptiko, ang mga hula sa Bibliya ay malabo at bukas sa maraming mga interpretasyon at ang karamihan sa mga spesipikong hula ay hindi natupad.[2][3] May mga iba't ibang interpretasyon ang iba't ibang mga sekta ng Hudaismo, Kristiyanismo at Islam sa sinasabing mga hulang ito sa Bibliya.[4][5][6]

  • Mga hula sa spesipikong indbidwal, lugar at bansa gaya ng Israel, Babilonia, Ehipto at iba pa.
  • Eskatolohiya: Mga pananaw tungkol sa mga pangyayari sa pagwawakas ng panahon.
  • Mesiyaniko: Mga hula tungkol sa mesiyas. Ayon sa mga Kristiyano, si Hesus ang katuparan ng mga hula sa mesiyas sa Tanakh samantalang para sa mga Hudyo at skeptiko, ang mga mga pag-aangking Kristiyano tungkol kay Hesus ay batay sa mga mistranslasyon at misinterpretasyon ng mga talata ng Tanakh.[7][8]

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hula sa mga spesipikong bansa o indibidwal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hula tungkol sa Tiro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinapasabi nga ni Yahweh: "Ang Tiro ay ipasasalakay kay 'Haring Nabucodonosor ng Babilonia, ang pinakamakapangyarihang hari. Mula sa hilaga, darating siya kasama ang isang malaking hukbo at maraming karwahe at mangangabayo. Mapapatay sa digmaan ang mga nakatira sa kalakhang bahagi ng bansa. Gagawa sila ng mga hukay na pagkukublihan at iba pang kanlungan. Kukubkubin ka ng mga kawal na ang mga kalasag ay parang matibay na pader. 9 Ang iyong pader ay iguguho sa pamamagitan ng malalaking pambayo at ang toreng bantayan ay ibubuwal sa pamamagitan ng kagamitang bakal. 10 Hindi ka makikita sa kapal ng alikabok dahil sa dami ng kanyang kabayong gagamitin sa pagsalakay sa iyo. Mayayanig ang iyong pader sa yabag ng mga kabayo, karwahe at kawal. 11 Ang mga lansangan mo'y mapupuno ng kanyang mga kabayo, at papatayin sa tabak ang iyong mga mamamayan. Anupa't mabubuwal pati ang pinakamalalaki mong haligi. Sasamsamin niya ang iyong ari-arian. Iguguho niya ang iyong mga tanggulan, gigibain ang iyong magagarang bahay, at itatambak sa dagat ang mga bato at kahoy na gumuho. Dahil diyan, matitigil na ang iyong masasayang awitan gayon din ang pagtugtog mo sa iyong mga lira. 14 Mag- iiwan lamang ako ng malapad na batong bilaran ng mga lambat, at hindi ka na muling itatayo bilang isang lunsod. Akong si Yahweh ang maysabi nito.", Ezekiel 26:7-14

Sa hulang ito, spesipikong isinaad ng diyos na wawasakin ni Nabucodonosor II ang siyudad ng Tiro. Gayunpaman, ayon sa mga skeptiko, ang talatang ito ay hindi natupad. Pagkatapos ng 13 taong paglusob ni Nebuchadnezzar, ang pwersa nito ay nabigo at umurong. Ang Tiro ay nagpatuloy ng masagana sa sumunod na 240 taon at sa modernong panahon ang ika-4 na pinakamalaking siyudad sa Lebanon.[9][10]

Kahit mismong si Ezekiel ay inamin ang pagkabigong ito sa Ezekiel 29:18, ""Ezekiel, anak ng tao, ang mga kawal-Babilonia ay pinahirapang mabuti ng hari nilang si Nebucadnezar laban sa Tiro. Nakalbo na silang lahat sa kabubuhat sa ulo ng mga kagamitan at nagkalyo ang kanilang mga balikat sa kapapasan ngunit wala ring napala."

Lupang pangako sa Israel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ng Genesis 12:7, sa pagpasok ni Abraham sa Canaan, "Nagpakita kay Abram si Yahweh na nagsabi sa kanya, "Ito ang lupaing ibibigay ko sa iyong lahi." At nagtayo si Abram ng altar para kay Yahweh na nagpakita sa kanya.".

Ayon sa Deuteronomio 7:3-7, Itataboy ng mga Israelita ang mga mamamayan ng "lupang pangako" nang walang kondisyon at bilang pagtupad sa pangako kay Abraham.

Ayon sa Aklat ng Genesis 15: 18-20, "At nang araw na iyon, gumawa si Yahweh ng kasunduan nila ni Abram at ganito ang sinabi niya: "Ibibigay sa lahi mo ang lupaing ito, mula sa hanggahan ng Egipto hanggang sa Ilog Eufrates, 19 kasama ang lupain ng mga Cineo, Cenizeo, Cadmoneo, 20 Heteo, Perezeo at Refaita, 21 gayundin ang lupain ng mga Amoreo, Cananeo, Gergeseo at Jebuseo."

Ayon sa Aklat ng Exodo 23:31, "Ang magiging hangganan ng inyong lupain ay mula sa Dagat na Pula b hanggang sa Dagat Mediteraneo, at mula sa ilang hanggang sa Ilog Eufrates. Ipapalupig ko sa inyo ang mga tagaroon at sila'y inyong palalayasin.".

Ayon sa Aklat ni Josue 1:3-5, "Gaya ng aking sinabi kay Moises, ibinigay ko na sa inyo ang lahat ng lupaing inyong mararating. 4 Ito ang magiging hangganan ninyo: sa hilaga ay ang kabundukan ng Lebanon; sa timog ay ang disyerto; sa silangan, ang malaking Ilog Eufrates; at sa kanluran, mula sa lupain ng mga Heteo hanggang sa Dagat Mediteraneo. 5 Walang makakagapi sa iyo habang ikaw ay nabubuhay. Sasamahan kita gaya ng pagpatnubay ko kay Moises. Hindi kita iiwan ni hindi pababayaan man."

Ayon sa mga skeptiko, ang hulang ito ay hindi natupad sa kasaysayan dahil hindi napunta sa Israel ang lahat ng ipinangakong lupaing ito. Ang pagkabigo ay pinatutunayan rin mismo sa Bibliya gaya ng makikita sa:

Sulat sa mga Hebreo 11:13, "Silang lahat ay namatay na may pananampalataya sa Diyos. Hindi nila nakamtan ang mga ipinangako ng Diyos, ngunit natanaw nila iyon mula sa malayo. Kinilala nilang sila'y mga dayuhan lamang at nangingibang-bayan dito sa lupa. "

Hula tungkol sa Babilonya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Isaias 13:1, 17, "Narito ang isang pahayag mula sa Diyos tungkol sa Babilonia, sa isang pangitain na nakita ni Isaias na anak ni Amoz Sinabi pa ni Yahweh, "Ipasasalakay ko sila sa mga taga-Media, mga taong walang pagpapahalaga sa pilak at di natutukso sa ginto."

Ayon sa Aklat ni Isaias 21:2, "Nakita ko ang isang pangitaing puno ng kalupitan, kataksilan, at pagkawasak. Sugod, Elam! Sakupin mo, Media. Wawakasan ko na ang ginawang pagpapahirap ng Babilonia."

Ayon sa Aklat ni Jeremias 51:27-28, "Itaas ninyo sa lupain ang isang bandila, iparinig ninyo sa mga bansa ang pag-ihip ng trumpeta. Pahandain ang mga bansa para digmain siya; tawagin ang mga kahariang laban sa kanya---ang Ararat, ang Mini at ang Askenaz. Pumili kayo ng pinuno laban sa kanya, magpadala kayo ng mga kabayo na kasindami ng mga uod na nagiging balang. 28 Humanda sa paglaban sa kanya ang mga bansa, ang mga hari sa Medo, kasama ang kanilang mga pinuno't kinatawan, at ang bawat lupaing nasasakupan nila."

Ayon sa Jeremias 50:1-3,14-15 "Ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Babilonya, tungkol sa lupain ng mga Kaldeo, sa pamamagitan ni Jeremias na propeta. Inyong ipahayag sa gitna ng mga bansa, at inyong itanyag, at mangagtaas kayo ng watawat; inyong itanyag, at huwag ninyong ikubli: inyong sabihin, Ang Babilonia ay nasakop, si Bel ay nalagay sa kahihiyan, si Marduk ay nanglulupaypay; ang kaniyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan, ang kaniyang mga diosdiosan ay nanganglupaypay. Sapagka't mula sa hilagaan ay sumasampa ang isang bansa laban sa kaniya, na wawasak ng kaniyang lupain, at walang tatahan doon: sila'y nagsitakas, sila'y nagsiyaon, ang tao at gayon din ang hayop...Magsihanay kayo laban sa Babilonia sa palibot, kayong lahat na nagsisiakma ng busog; hilagpusan ninyo siya, huwag kayong manganghinayang ng mga pana: sapagka't siya'y nagkasala laban sa Panginoon. Humiyaw ka laban sa kaniya sa palibot: siya'y sumuko sa kaniyang sarili; ang kaniyang mga sanggalangang dako ay nangabuwal, ang kaniyang mga kuta ay nangabagsak: sapagka't siyang kagantihan ng Panginoon: manghiganti kayo sa kaniya; kung ano ang kaniyang ginawa, gawin ninyo sa kaniya."

Ayon sa Jewish Study Bible, ang karamihan ng mga kapitulo ay nagbibigay diin na ang Babilonya ay wawasakin sa pamamagitan ng karahasan. Gayunpaman, sa katotohanan, kinuha ni Dakilang Ciro na hari ng Persia ang Babilonya nang walang dumanak na dugo noong 539 BCE nang ang mga makangyarihang saserdote ni Marduk ay pinili siya kesa sa naghaharing hari ng Babilonyang si Nabonidus na nagpabaya kay Marduk. Sinaad ng Jewish Study Bible tungkol sa Jer. 50:3, "Ang bansa sa hilaga ay isang karaniwang motif sa mga orakulo ni Jeremias...Nakikita ito ng marami bilang reperensiya sa Persia na sumakop sa Babilonya noong 539 BCE. Ang Persia ay aktuwal na nasa silangan ng Babilonya." Hindi rin totoong nanlupaypay ang Diyos ng Babilonya na si Marduk o ang kanyang mga larawan ay nalagay sa kahihiyan. Ayon sa Silindro ni Ciro, "Nang ako(Dakilang Ciro) ay pumasok sa Babilonya bilang isang kaibigan at aking itinatag ang upuan ang pamahalaan sa palasyo ng pinuno na nagdiriwang, si Marduk na Dakilang Panginoon ay [pumukaw] sa magnanimosong mga mamamayan ng Babylon [na mahalin ako] at araw araw kong sinisikap na sambahin siya(Marduk). Ang aking maraming mga hukbo ay nagpagala-gala sa Babilonya ng mapayapa at hindi ko pinayagan ang sinuman na sindakin(ang anumang lugar) ng [bansa ng Sumerya] at Akkad. Aking sinikap ang kapayapaan para sa Babilonya (Ká.dingir.ra) at sa lahat ng kanyang(Marduk) (ibang) mga sagradong siyudad...Si Marduk na Dakilang Panginoon ay mahusay na nalugod sa aking mga ginawa at nagpadala ng mga mapalakaibigang mga pagpapala sa aking sarili, si Ciro na haring sumasamba sa kanya, kay Cambyses na aking anak, ang supling ng [aking] mga leon gayundin sa lahat ng aking mga hukbo at aming lahat [na pumuri] ng kanyang dakilang [PagkaDiyos] ng maligaya, na nakatayo sa harap niya sa kapayapaan."[11] Sa halip na wasakin ni Ciro ang mga diyos-diyosan nito ay kanyang ibinalik ang mga templo at mga santuwaryo ng kulto sa Mesopotamia at saanman sa rehiyong nasakop niya.

Ayon din sa Jeremias 51:11, "Inyong patalasin ang mga pana, inyong hawakang mahigpit ang mga kalasag; pinukaw ng Panginoon ang kalooban ng mga hari ng mga Medo; sapagka't ang kaniyang lalang ay laban sa Babilonia, upang wasakin: sapagka't siyang panghihiganti ng Panginoon, panghihiganti ng kaniyang templo." .

Ang mga hulang ito ay hindi natupad dahil ang Babilonya ay hindi sinakop ng Medes, Elam, Ararat, Mini at Ashkenaz kundi ng Imperyong Persian sa ilalim ni Ciro ang Dakila noong 539 BCE.[12] Ito ay mapayapang sinakop ni Dakilang Ciro at hindi winasak. Maling tinukoy sa Aklat ni Daniel 5:31 na ang Babilonya ay sinakop ng piksiyonal na si "Darius the Mede". Ang imperyong Media ay sinakop ni Ciro noong 550 BCE.

Hula tungkol sa mga Jebuseo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Josue 3:10, "0 At tinawag ni Josue ang mga tao at sinabi sa kanila, "Halikayo at pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh na inyong Diyos. Dito ninyo malalaman na kasama ninyo ang Diyos na buhay. Pagdating ninyo roon, lilipulin niya ang mga Cananeo, ang mga Heteo, ang mga Hivita, ang mga Perezeo, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, at ang mga Jebuseo."

Ayon naman sa Aklat ni Josue 15:63, "Ngunit hindi napaalis ng lipi ni Juda ang mga Jebuseo na naninirahan sa Jerusalem, kaya hanggang ngayo'y kasama nilang naninirahan doon ang mga ito."

Hula tungkol sa Judah

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Isaias 7:1-7, "Nang ang hari ng Juda ay si Ahaz, anak ni Jotam na anak ni Uzias, ang Jerusalem ay sinalakay ni Haring Rezin ng Siria, at ng hari ng Israel na si Peka, anak ni Remalias, ngunit hindi sila nagtagumpay. 2 Nang mabalitaan ng sambahayan ni David na nagkasundo na ang Siria at ang Efraim, ang hari at ang buong bayan ay nanginig sa takot na parang mga puno sa kakahuyan na hinahampas ng hangin. 3 Sinabi ni Yahweh kay Isaias: "Isama mo ang iyong anak na si Sear-Yasub a at salubungin ninyo si Ahaz. Matatagpuan ninyo siya sa may dulo ng padaluyan ng tubig mula sa tipunan ng tubig sa itaas, sa daang patungo sa dakong Bilaran ng Tela. 4 Ganito ang sabihin mo sa kanya: 'Humanda ka! Huwag matakot at mabagabag. Huwag kang masisiraan ng loob dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ni Peka na anak ni Remalias; ang dalawang iyon ay parang dalawang putol ng kahoy na umuusok ngunit walang apoy.' 5 Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi: 6 'Lusubin natin ang Juda, at sakupin ang Jerusalem. Gagawin nating hari doon ang anak ni Tabeel.'7 Ngunit sinabi ng Panginoong Yahweh, "Hindi ito mangyayari."

Ayon naman sa 2 Kronika 28:5, "Dahil dito, ipinatalo siya ni Yahweh na kanyang Diyos sa hari ng Siria. Maraming mamamayan ng Juda ang binihag nito at dinala sa Damasco. Nilusob din siya ng hari ng Israel at halos naubos ang kanyang hukbo."

Hula tungkol sa Nilo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Ezekiel 30:12, "Tutuyuin ko ang Ilog Nilo at ipapasakop ang Egipto sa masasama. Wawasakin ng mga kaaway ang buong bansa. Akong si Yahweh ang maysabi nito."

Gayunpaman, walang ebidensiya na nangyari ito sa kasaysayan at ang Ilog Nilo ay dumadaloy pa rin sa modernong bansa ng Ehipto.

Hula tungkol sa Ehipto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Ezekiel 29:8-12, "Kaya padadalhan kita ng tabak upang puksain ang mga mamamayan mo't mga hayop. 9 Ang buong Egipto ay matitiwangwang at mawawalan ng kabuluhan. Sa gayon makikilala ninyong ako si Yahweh. "Sinabi mong iyo ang Ilog Nilo sapagkat ikaw ang gumawa niyon. 10 Dahil diyan, laban ako sa iyo at sa iyong Ilog Nilo. Ititiwangwang ko ang buong Egipto at gagawin kong walang kabuluhan, mula sa Migdal hanggang Sevene at sa mga hangganan sa Etiopia. a 11 Sa loob ng apatnapung taon, walang tao o hayop na tutuntong dito ni titira. 12 Gagawin ko itong pinakamapanglaw sa lahat ng lupain at ang mga lunsod ay apatnapung taon kong pananatilihing isang lugar na pinabayaan. Ang mga Egipcio'y pangangalatin ko sa iba't ibang bansa."

Ang Ehipto ay hindi kailanman natingwangwang at walang panahon sa kasaysayan na ang mga tao ay hindi lumakad dito. Wala ring panahon ng apatnapung taon na ang Ehitpo ay pinabayaan at wala ring diaspora ng mga Ehipsiyo na nangyari sa kasaysayan.[13]

Sa karagdagan ay hinulaan sa Aklat ni Ezekiel 30:11-12 na: "Ito ang ipinapasabi ni Yahweh: "Ang kasaganaan ng Egipto'y wawakasan ko na sa pamamagitan ng Haring Nebucadnezar. 11 Siya at ang malulupit niyang kawal ang susuguin ko upang wasakin ang Egipto. Tabak nila'y ipamumuksa sa buong lupain. Pagdating ng araw na iyon, makikitang naghambalang ang mga bangkay sa buong lupain."

Ayon sa NIV Study Bible, ang petsang natanggap ni Ezekiel ang propesiyang ito ay noong Abril 26, 571 BCE kaya ito ay hindi mailalapat sa mga pangyayari bago nito. Inatake ni Nebuchadnezzar ang Ehipto noong 568 BCE ngunit siya ay nabigo.

Hula tungkol kay Jehoiakim

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Jeremias 36:30, "Kaya ngayon, akong si Yahweh ang nagsasabi sa iyo, Haring Jehoiakim, na sinuman sa mga anak mo'y walang maghahari sa trono ni David. Itatapon sa labas ang iyong bangkay at mabibilad sa init ng araw at lamig ng gabi."

Ayon sa 2 Mga Hari 24:6, "Nang siya'y mamatay, ang anak niyang si Jehoiakin ang humalili sa kanya bilang hari."

Hula tungkol kay Josias

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa 2 Mga Hari 22:20, "Dahil dito, hindi mo mararanasan ang pagpapahirap na gagawin ko sa bayang ito. Mamamatay kang mapayapa sa piling ng iyong mga ninuno.' " Ang lahat ng ito'y sinabi nila sa hari."

Ayon sa 2 Mga Hari 23:29-39, "29 Nang panahong iyon, ang bahagi ng Asiria sa gawing Ilog Eufrates ay sinalakay ni Neco na Faraon ng Egipto. Sumaklolo si Haring Josias sa hari ng Asiria, ngunit napatay siya sa Megido. 30 Ang kanyang bangkay ay kinuha ng kanyang mga kasama at inilibing sa kanyang libingan sa Jerusalem. At si Jehoahaz na anak niya ang pinili ng mga taong-bayan bilang hari, kapalit ng kanyang ama."

Ayon sa 2 Kronika 35:23-24, "Sa kainitan ng labanan ay tinamaan si Haring Josias ng palaso at malubhang nasugatan. Kaya't iniutos niya sa kanyang mga tauhan na ilayo na siya roon. 24 Inilipat siya ng mga ito sa ikalawang karwahe at dinala sa Jerusalem. Subalit namatay din siya at inilibing sa libingan ng kanyang mga ninuno. Nagluksa ang buong Juda at Jerusalem dahil sa kanyang pagkamatay."

Hula tungkol kay Zedekias

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Jeremias 34:2-5, "Pumunta ka at sabihin mo kay Haring Zedekias ng Juda ang ganito: Ang lunsod na ito'y ibibigay ko sa hari ng Babilonia at kanyang susunugin. 3 Hindi ka makakaligtas; mahuhulog kang tiyak sa kamay niya. Makikita mo't makakausap nang harap-harapan ang hari ng Babilonia at dadalhin kang bihag sa bansang iyon. 4 Ngunit pakinggan mo ang sabi sa iyo ni Yahweh, Haring Zedekias: 5 Hindi ka mamamatay sa digmaan; mapayapa kang papanaw, at magsusunog sila ng insenso sa iyong libing, gaya ng ginawa nila sa libing ng iyong mga ninunong hari. Ipagluluksa ka at tatangisan ng ganito, 'Patay na ang aming hari!' Ako, si Yahweh, ang nagsabi nito."

Ayon sa 2 Mga Hari 25:7, "Pinatay nila sa harapan ni Zedekias ang mga anak nito. Dinukit ang mga mata ni Zedekias at dinala siya sa Babilonia na gapos ng tanikala."

Ayon sa Aklat ni Jeremias 36:6-7, "Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa harapan nito pati ang mga pinuno ng Juda. 7 Ipinadukit ang mga mata ni Zedekias, at pagkatapos ay ginapos ng kadena upang dalhin sa Babilonia."

Ayon sa Aklat ni Jeremias 52:10-11, "Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa harapan niya. Pinatay rin sa Ribla ang lahat ng pinuno ng Juda. 11 Pagkatapos, dinukit ng hari ang mga mata ni Zedekias, ginapos, dinala sa Babilonia, at ibinilanggo hanggang sa araw ng kanyang kamatayan."

Hula tungkol sa Judah

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Isaias 19:17, "Masisindak ang mga Egipcio sa mga taga-Juda marinig lamang nila ang pangalan nito, dahil sa balak ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat laban sa kanila."

Gayunpaman, walang ebidensiya sa kasaysayan na ang Judah ay sumindak o sumakop sa mga Ehipsiyo.

Hula tungkol sa alyansa ng Ehipto, Israel at Assyria

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Isaias 19:23-24, "Sa araw na iyon, magkakaroon ng isang malawak na daan buhat sa Egipto patungo sa Asiria. Makakapunta sa Asiria ang mga Egipcio at ang mga taga-Asiria ay makakapunta sa Egipto; sila'y sama-samang sasamba. 24 Sa araw na iyon, ang Israel ay magiging kapanalig ng Egipto at Asiria, at sila'y magiging pagpapala sa buong daigdig."

Walang rekord sa kasaysayan na ang Ehipto, Israel at Assyria ay naging magkapanalig.

Hula tungkol sa tagal ng pagkakabihag ng mga Israelita sa Babilonia

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Jeremias 29:10, ""Subalit ito ang aking sinabi: Pagkatapos lamang ng pitumpung taon ng pagkabihag sa Babilonia, muli kong ipadarama ang pag-ibig ko sa inyo. Tutuparin ko ang aking pangakong ibabalik kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo."

Ayon sa mga skeptiko, ito ay hindi natupad dahil ang pagkakabihag ng mga Israelita sa Babilonia ay tumagal lamang ng 49 taon mula 587-538 BCE.[14][15][16]

Hula tungkol sa mga saserdoteng Levita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Aklat ni Jeremias 33:18, "At mula sa lahi ni Levi, hindi kukulangin ng pari na mag-aalay sa akin ng mga handog na susunugin, handog na pagkaing butil, at iba pang mga handog sa lahat ng panahon."

Ito ay hindi natupad dahil ang pagwasak ng Imperyo Romano sa templo noong 70 CE ang nagpatigil ng sistemang paghahandog ng mga saserdote sa Israel.

Hula ni Hesus tungkol sa templo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Ebanghelyo ni Mateo 24:2, "Sinabi niya sa kanila, "Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!"

Ayon sa Ebanghelyo ni Marcos 13:2, "Sumagot si Jesus, "Nakikita mo ba ang naglalakihang gusaling iyan? Wala riyang matitirang magkapatong na bato. Ang lahat ay iguguho!"

Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas 19:44, "Wawasakin ka nila at lilipulin ang lahat ng taong nasasakupan mo. Wala silang iiwanang magkapatong na bato sapagkat hindi mo pinansin ang pagdalaw sa iyo ng Diyos."

Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas 21:6, ""Darating ang panahon na ang lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, at walang matitirang magkakapatong na mga bato."

Ayon sa mga skeptiko, ang hulang ito ay hindi natupad dahil ang wailing wall ay nakatayo pa rin.

Maraming mga skolar at historyan ay naniniwalang ang Bibliya ay hindi naglalaman ng tumpak (accurate) na mga hula ng anumang nakaraan o panghinaharap na mga pangyayari. Ang mga may-akda o kalaunang editor ng mga aklat ng Bibliya ay maaaring nagdagdag ng mga propesiya na inimbento pagkatapos ng mga pangyayari upang tumugma sa mga sirkunstansiya ng nakaraang pangyayari. Ito ay tinatawag na Postdiction. Halimbawa, ang neo-platonistang si Porphyry ng Tyros ay nangatwirang ang kabanata 11 ng Aklat ni Daniel ay isinulat noong 165 BCE kesa noong ika-6 siglo BCE gaya ng ipinagpapalagay sa aklat na ito.[17] Ito ay sinusuportahan ng argumento na ang mga pangyayaring inilalarawan sa ika-6 na siglo sa Aklat ni Daniel ay naglalaman ng mga kamalian samantalang ang mga pangyayari sa ika-2 siglo BCE sa aklat na ito ay labis na detalyado. Ito ay nagpapahiwatig na hindi pamilyar ang may-akda sa mga kasaysayan noong ika-6 siglo BCE ngunit napakapamilyar sa mga pangyayari noong ika-2 siglo BCE. Sa pagsusuri din ng mga istilong linguistiko na ginamit sa mga talata, makikita na ang mga ito ay isinulat sa iba't ibang panahon. Halimbawa, ayon sa mga skolar, ang Aklat ni Isaias ay isinulat ng tatlong mga may-akda o pangkat na nabuhay sa iba't ibang panahon at ang aklat na ito sumailalim sa kalaunang mga labis na pagbabago o editing.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://dictionary.reference.com/browse/prophecy?qsrc=2888
  2. Prophecy Fulfillment: An Unprovable Claim, Skeptical review
  3. Fulfilled Prophecy:An Unprovable Claim (2), Skeptical review
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-22. Nakuha noong 2012-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Some Answered Questions. US Baha'i Publishing Trust. 1990. pp. 36–44.
  6. http://www.lds.org/ensign/1989/01/prophecies-in-the-bible-about-joseph-smith
  7. Outreach Judaism
  8. The Fabulous Prophecies of the Messiah, Infidels.org
  9. [1]
  10. http://www.theskepticalreview.com/tsrmag/2mail97.html
  11. http://www.britishmuseum.org/research/search_the_collection_database/search_object_details.aspx?objectid=327188&partid=1
  12. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-10. Nakuha noong 2012-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-05. Nakuha noong 2012-07-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. http://books.google.ca/books?id=Dkr7rVd3hAQC&pg=PA11
  15. http://books.google.ca/books?id=kmk5CDRsbwMC&pg=PA58
  16. http://www.theskepticalreview.com/tsrmag/4null97.html
  17. http://www.attalus.org/translate/daniel.html