Prosimyo
Ang mga prosimian (maari rin tawaging prosimyo)[* 1] ay isang pangkat ng mamalya na inilalarawan bilang mga primate ngunit hindi mga unggoy o bakulaw. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga lemur, mga bushbaby, at mga tarsier. Ang mga ito ay itinuturing na may katangiang mas primitibo kaysa sa mga unggoy at bakulaw. Ang mga prosimyo ang tanging mga primate na katutubo sa Madagascar at matatagpuan rin sa Aprika at Asya. Maliban sa mga tarsier, lahat ng umiiral na prosimyo ay nasa suborder na Strepsirrhini. Ang prosimyo ay isang paraphyletic group at hindi clade dahil mas kamakailan ang parehong ninuno (recent common ancestor) ng mga tarsier (at iba pang hindi na umiiral na prosimyo) sa mga unggoy at bakulaw kaysa sa iba pang prosimyo.
Ang adapiforms ay isang hindi na umiiral na pagpapangkat na parehong prosimyo at strepsirrhine. Ang omomyiforms ay isa pang hindi na umiiral na pangkat ng prosimyo, ngunit ang mga ito ay pinaniniwalaang mga haplorhine, mas nauugnay sa mga tarsier, ngunit isang outgroup sa iba pang haplorhine.
Klasipikasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Primate phylogeny | |||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||
Prosimians are a paraphyletic group (in green brackets) by including the tarsiers to the exclusion of the simians. |
Ang mga prosimyo ay minsang isang pangkat na itinuring na isang suborder ng Primates (suborder Prosimii - Gr. pro, bago sumapit ang, + simia, bakulaw). Gayunpaman, ang mga ito ay naipakitang paraphyletiko na ang ibig sabihin ay ang pinaka kamakailang karaniwang ninuno ng mga ito ay isang prosimyo ngunit ito ay may ilang mga inapo(descendants) na hindi prosimyo (i.e. mga unggoy at mga ape). Ang relasyong ito ay ipinapakita ng mga ranggo sa talaan sa ibaba ng kasalukuyang klasipikasyon ng Primates sa pagitan ng lebel na order at pamilya. Ang klasipikasyon ay ginagamit sa isang mas pang-asal na terminong sa kasalukuyan sanhi ng kawalan ng walang katulad na huling karaniwang ninuno.
- Order Primates
- Suborder Strepsirrhini: nontarsier prosimians
- Infraorder Lemuriformes of Madagascar
- Family Cheirogaleidae: dwarf lemurs and mouse-lemurs
- Family Daubentoniidae: aye-ayes
- Family Lemuridae: lemurs
- Family Lepilemuridae: sportive lemurs
- Family Indriidae: woolly lemurs and allies
- Infraorder Lorisiformes
- Infraorder Lemuriformes of Madagascar
- Suborder Haplorrhini: tarsiers, monkeys and apes
- Infraorder Tarsiiformes
- Family Tarsiidae: tarsiers of Southeast Asia
- Infraorder Simiiformes
- Parvorder Platyrrhini: New World monkeys (5 families)
- Parvorder Catarrhini: humans and other Old World primates (3 families)
- Infraorder Tarsiiformes
- Suborder Strepsirrhini: nontarsier prosimians
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.