Pumunta sa nilalaman

Protina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Proteina)
Isang representasyon ng tatlong-dimensyonal na kayarian ng myoglobin na pinapakita ang makulay na mga alpha helix. Ito ang unang protina na nilutas ang kayarian sa pamamagitan ng krystallograp ng x-ray.

Ang mga protina ay malalaking mga molekula na yari sa maliliit na mga yunit na tinatawag na mga asidong amino. Ginagamit ang mga ito sa paglago at pagkumpuni, gayon din ang pagpapatibay ng mga buto. Tumutulong ito na gumawa ng mga tisyu at mga sihay. Matatagpuan ito sa mga hayop, halaman, halamang-singaw, bakterya, at sa katawan ng tao din. Halimbawa, naglalaman ng napakaraming protina ang mga kalamnan. Kumakain ang mga nagpapanatili ng katawan ng mga pagkain na puno ng protina bilang isang madaling paraan na mapanatili o makakuha ng mataas na antas ng kalamnan na mas ligtas kaysa mag-esteroydes (steroids). May mahalagang bahagi ang mga protina sa mga pagkain tulad ng gatas itlog, karne, isda, mga patani, at nuwes. Kumakain ang mga hayop ng protina upang makakuha ng enerhiya at mga asidong amino. Ginagamit ang mga asidong aminong ito upang gumawa ng bagong mga protina na gagamitin bilang mga ensima (enzymes), mga hormona (hormones), o mga antikuwerpo (antibodies). Isang halimbawa ng mahabang-condensed na protina ay ang Enaptin, na binubuo ng napakaraming molekula ng carbon, hydrogen at oxygen.

Natuklasan ni Berzelius, isang Swekong kimiko, noong 1838 ang mga protina. Bagaman, hindi lubusan na binigyan pansin ang ginagampanan ng mga protina sa mga organismong may buhay hanggang 1926, nang pinakita ni James B. Sumner ang ensimang urease na isang protina.[1] Ang insulin ang unang protina na pinagsunod-sunod ni Frederick Sanger, na nanalo ng Gantimpalang Nobel para sa natamong ito noong 1958. Ang hemoglobin at myoglobin ang unang mga kayarian ng mga protina na nalutasan nina Max Perutz at Sir John Cowdery Kendrew, sa ganoong pagkaayos, noong 1958.[2][3] Unang natiyak ang tatlong-dimensyonal na kayarian ng parehong mga protina sa pamamagitan ng pagsusuri ng dipraksyon ng x-ray; parahong nanalo si Perutz at Kendrew ng Gantimpalang Nobel sa Kimika noong 1962 para sa mga natuklasang ito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sumner, JB. (1926). "The isolation and crystallization of the enzyme urease. Preliminary paper" (PDF). Journal of Biological Chemistry. 69: 435–41. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-09-29. Nakuha noong 2009-04-23.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Muirhead H, Perutz M. (1963). "Structure of hemoglobin. A three-dimensional fourier synthesis of reduced human hemoglobin at 5.5 Å resolution". Nature. 199 (4894): 633–38. doi:10.1038/199633a0. PMID 14074546.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kendrew J, Bodo G, Dintzis H, Parrish R, Wyckoff H, Phillips D. (1958). "A three-dimensional model of the myoglobin molecule obtained by x-ray analysis". Nature. 181 (4610): 662–66. doi:10.1038/181662a0. PMID 13517261.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

BiyolohiyaKimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya at Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.