Pumunta sa nilalaman

Mga Aeta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pugot)
Huwag itong ikalito sa mga Ati ng Panay sa Kabisayaan.

Demograpiya ng Pilipinas
Edukasyon
Mga relihiyon
Mga wika
Mga tao

  Pilipino
        Ivatan
        Ilokano
        Igorot
        Ibanag
        Pangasinan
        Kapampangan
        Aeta
        Sambal
        Tagalog
        Bikolano
        Mangyan
        Palawan
        Bisaya
        Ati
        Chavacano
        Lumad
        Moro
        Bajau
        Mestiso
          Intsik
          Kastila

  Mga Aprikano
  Mga Amerikano
  Mga Arabo
  Mga Europeo
  Mga Indonesyo
  Mga Hapones
  Mga Hudyo
  Mga Koreano
  Mga Timog Asyano
  Mga Kastila

Ang babaeng Ita na nagmula sa Mariveles, Bataan, noong 1901.

Ang mga Aeta, Ayta, Agta, o Ati (Ayta, pronounced /ˈtə/ EYE-tə), ay mga katutubong mga tao o pangkat-etniko na nakatira sa kalat at liblib na mga bahaging bulubundukin ng Luzon, Pilipinas. Itinuturing sila bilang mga Negrito, na mayroong mga balat na maiitim o madidilim ang pagkakayumanggi at mayroong mga tampok na katangian ng pagiging maliliit ang taas, maliliit ang balangkas, mayroong mga buhok na kulot na katulad ng sa mga maiitim na tao ng Aprika na mayroong mataas na pagiging madalas na likas na mas mapusyaw na kulay ng buhok na kung tawagin ay blondismo na nauukol sa pangkalahatang populasyon; mayroon din silang maliliit na mga ilong, at madidilim na kayumangging mga mata. Iniisip na sila ang pinakamaagang pangkat ng mga taong nanirahan sa Pilipinas, bago pa man naganap ang pandarayuhan o pagdating ng mga taong Austronesyo.[1]

Kabilang ang mga Aeta sa pangkat ng mga tao na tinagurian bilang mga "Negrito" noong pamumuno ng kolonya ng mga Kastila. Ang sari-saring mga pangkat ng mga Aeta sa hilagang Luzon ay nakikilala bilang mga "Pugut" o "Pugot," isang pangalan na itinalaga sa kanila ng mga taong nagsasalita ng wikang Ilokano na kanunog ng kanilang tirahan, na siyang katagang kolokyal praa sa mga taong mayroong mas maiitim na kutis. Sa Ilokano, ang salitang "Pugut" o "Pugot" ay nangangahulugan din ng "tiyanak", "duwende", "goblin" o "espiritu sa gubat".[2] Karamihan sa mga Negrito ng Luzon ang tumuturing sa mga katawagang ito bilang nakakainsulto para sa kanila.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Aeta". peoplesoftheworld.org.
  2. Thomas N. Headland, John D. Early, (Marso 1, 1998). Population Dynamics of a Philippine Rain Forest People: The San Ildefonso Agta. University Press of Florida. p. 208.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: extra punctuation (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

TaoPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.