Pumunta sa nilalaman

Demograpiya ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Demographics of the Philippines)

Ang demograpiya ng Pilipinas ay ang pagtatala ng katauhang populasyon sa bansa; kabilang na dito ang pagtatala ng kasinsinan ng populasyon, pagkaiba-iba ng mga katutubong tao, antas ng edukasyon, kalusugan, wika, estado ng ekonomiya, mga sinasambang relihiyon, at iba't ibang mga aspekto ng populasyon sa bansa. Ikalabing-dalawa ang Pilipinas sa pinakamataong lugar sa buong mundo at ikatatlumpu't-lima sa densidad. Naitala ang unang senso ng Pilipinas noong 1877 ng pamahalaan ng Espanya na may populasyong 5,567,685.[1] Ang kamakailang senso ay naitala naman noong 2020, na higit sa 109,035,343.[2]

Mga pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naipakita ng makabagong pananaliksik sa henetika Naka-arkibo 2010-02-14 sa Wayback Machine. na ang uring panlahi ng populasyong Pilipino, na bumubuo ng pinakakaramihang bahagi ng bansa, ay naitatag noong pre-kasaysayan ng mga katutubong Taywanes na nagsasalita ng inang-wikang Awstronesyo, na sunod-sunurang dumayo sa Pilipinas noong mga 3000 BK, ang karamihan na nakipaghalo rin sa mga manaka-nakang dayo mula sa mainland o kontinenteng Asya (ngayo’y timog Tsina). Tangi ang mga pamayanang di-Awstronesyo na ito sa karaniwang populasyon pagdating sa pagkakakilanlang etniko, katayuang panlipunan, mga kaugaliang pangkultura, at madalas sa pamanang pangwika, bagaman tinuturing nila ang kanilang sarili bilang mga tunay na Pilipino.

Mga apat sa bawat 100 Pilipino, o 3.6% ng populasyon, ang nagtataglay ng kanunununuang Europeo, bagaman hindi nabanggit kung gaano kalaki ang karaniwang pagkahalong Yuropeo sa kanila. Karamihan sa kanila, kasama ng mga di-Awstronesyong Pilipino, ay nagpapanatili ng mga pamantayan at ugaliing pangkulturang tangi sa pangkalahatang populsayon; kapansin-pansin din ang kanilang pagsasarili pagdating sa pagkakakilanlang etniko, pananaw sa daigdig, katayuang panlipunan, at pamanang pangwika.

Rehiyon Blg. ng Populasyon
I 548,456
II 56,526,566
III 15,256,563
IV 14,523,632
V 53,658,655
VI 15,563,285
VII 596,325,523
VIII 25,654,258
IX 78,321,258
X 12,689,325
XI 58,369,247
XII 12,539,524
SOCCSARGEN 58,569,659
ARMM 49,567,436
CAR 97,566,353
CARAGA 39,450,197
NCR 25,353,969
Populasyon ng Pilipinas 65,369,258 (Senso ng 2007

[3])

Pinakamalalaking mga lungsod sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Lungsod Lalawigan Rehiyon Kabuuang Populasyon (2007) Klasipikasyon sa Kita
Lungsod ng Quezon ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 2,679,450 Espesiyal na lungsod
Lungsod ng Maynila ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 1,660,714 Espesiyal na lungsod
Lungsod ng Caloocan ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 1,378,856 Mataas na urbanisado
Lungsod ng Dabaw ~ Rehiyon ng Dabaw 1,363,337 Unang antas
Mataas na urbanisado
Lungsod ng Sugbo Lalawigan ng Sugbo Gitnang Kabisayaan 798,809 Unang antas
Mataas na urbanisado
Lungsod ng Zamboanga ~ Tangway ng Zamboanga/Kanlurang Mindanaw 774,407 Unang antas
Mataas na urbanisado
Lungsod ng Antipolo Lalawigan ng Rizal CALABARZON 633,971 Unang antas
Lungsod ng Pasig ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 617,301 Unang antas
Mataas na urbanisado
Lungsod ng Taguig ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 613,343 Unang antas
Mataas na urbanisado
Lungsod ng Valenzuela ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 568,928 Unang antas
Mataas na urbanisado

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wickberg, E. (Agosto 2019). "The Chinese Mestizo in Philippine History". Journal of Southeast Asian History (sa wikang Ingles). 5 (1): 62–100. doi:10.1017/S0217781100002222. ISSN 0217-7811.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2020 Census of Population and Housing (2020 CPH) Population Counts Declared Official by the President | Philippine Statistics Authority | Republic of the Philippines". psa.gov.ph. Nakuha noong 2024-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Official population count reveals..., National Statistics Office, Abril 16, 2008, inarkibo mula sa ang orihinal noong Marso 2, 2009, nakuha noong Pebrero 25, 2009{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.