Pumunta sa nilalaman

Pulang Daga Beach

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Pulang Daga ay isang dalampasigan na matatagpuan sa Paracale, Camarines Norte rehiyon ng Bicol. Ang mga katagang “Pulang Daga” ay Bikol para sa “pulang lupa.” Ito marahil ay nagpapatungkol sa malakulay putik na daananan patungo sa lugar.

Kilala ang lugar sa taglay nitong mapuputi at tila-pulbos na mga buhangin. Malinaw at may bahagya at maliliit na alon naman ang karagatan nito.

May mangilan-ngilan lamang na establisyimento ang pumapaligid sa Pulang Daga. Ito ay dahil na rin sa hindi pa lubusang nalilinang ang nasabing lugar. Bagaman may ilan na ring turista ang dumayo sa lugar, nananatili pa rin itong birhen mula sa mga polusyon at ingay ng isang tipikal na beach. Gayunpaman, ang local na pamahalaan ng Paracale ay nagsimula ng linangin ang lugar sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga konkretong daanan patungo dito. Hindi katulad ng dati, mas madali at ligtas nang tahakin ang daanan papuntang Pulang Daga.

Mula sa Maynila, maaring sumakay ng bus sa Cubao patungong Daet via Paracale. Ang biyahe ay maaring tumagal mula 9-10 na oras. Mula naman Paracale ay maaring mag-arkila ng dyip na maghahatid sa mismong Pulang Daga. May maliit na apartelle sa bayan ng Paracale na maaring tuluyan ng mga turista. Samantalang sa Daet, ang capital ng Camarines Norte, ay may ilang mas malalaking hotel na maari ding pagpilian. Isang oras ang biyahe mula sa Paracale proper hanggang Daet. Sa kasalukayan, libre ang pagpasok sa Pulang Daga; habang may renta naman ang pananatili sa mga maliliit na cottage na nakapalibot sa lugar. Maaring umabot ang renta sa 20 hanggang 50 piso.

Kilala rin ang bayan ng Paracale bilang “mina ng ginto” o “gold’s mine” ng lalawigan. Sa katunuyan, taun-taon ay ginaganap ang “Pabirik Festival” sa buwan ng Pebrero bilang pagkilala dito.

Madalas maihalintulad ang ganda ng Pulang Daga sa dating halina ng Boracay Beach.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.