Pumunta sa nilalaman

Pundya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pundya o puklo (Ingles: crotch, crutch) ay ang anggulong nasa pagitan ng dalawang mga sanga ng katawan ng anumang bagay; o kaya ay nasa pagitan ng isang sanga at ng isang punong katawan[1]; o kaya ay ang pagsasanga o lugar na pinagsangahan, natatangi na ang lugar kung saan dumurugtong o sumusugpong ang mga binti, mga biyas, mga hita, o, sa pangkabuoan, ng mga paa, sa punong katawan ng katawan ng tao.[2]

Ang katagang pundya ay maaaring gamitin sa paglalarawan sa rehiyon ng isang bagay na kung tawagin ay punong katawan, kung saan nagsasanga o nahahati ito upang maging dalawa o mahigit pang mga sanga. Ang mga bagay na tinutukoy dito na maaaring may punong katawan na nagsasanga-sanga ay ang mga puno, mga hayop (upang maging mga pata), mga gusali, at mga diyagrama ng mga kurdon ng kuryente, at iba pa.

Sa mga tao, ang pundya o puklo ay tumutukoy sa ilalim ng balakang ng tao, ang rehiyon sa katawan ng tao kung saan sumasanib ang binti ng tao sa torso, at kadalasang isinasaalang-alang na kinabibilangan ng singit at ng mga henitalya.

Sa pananamit, ang pundya ay ang pook ng isang paris ng mga pantalon o mga salawal kung saan nagsasanib o nagsasalubong ang mga binti. Ang ilalim ng pundya ang naghuhubog sa isang dulo ng tahi na tinatawag sa Ingles bilang inseam.

Ang salitang Ingles na crotch ay hinango magmula sa crutch; una itong ginamit noong 1539 bilang isang patpat na may sanga o nagsanga na ginamit bilang isang kasangkapang pambukid.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. crotch, pundya, lingvozone.com
  2. "crotch", Hammond, pahina 48.
  3. Hodgson, Charles. 2007. Carnal Knowledge: A Navel Gazer's Dictionary of Anatomy, Etymology, and Trivia, New York: St. Martin's Press, pahina 175.