Pumunta sa nilalaman

Punong Ministro ng Singapore

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Punong Ministro ng
Republika ng Singapore
Incumbent
Lawrence Wong

mula 15 Mayo 2024
IstiloThe Honourable
TirahanSri Temasek
NagtalagaTony Tan Keng Yam
(bilang Pangulo ng Singapore)
Haba ng termino5 taon o or earlier, renewable.
Kailangan buwagin ng Punong Ministro ang Parlamento ng Singapore bawat 5 taon o higit pang maaga. Ang pinuno ng pinakamalaking partido sa parlamento ang magiging Punong Ministro.
NagpasimulaLee Kuan Yew
NabuoHunyo 3, 1959
SahodS$2.2 milyon taon-taon
Websaytpmo.gov.sg

Ang Punong Ministro ng Republika ng Singapore (Malay: Perdana Menteri Republik Singapura; Tsino: 新加坡共和国总理, pinyin: Xīnjiāpō gònghéguó zǒnglǐ; Tamil: சிங்கப்பூர் குடியரசின் பிரதமர், Ciṅkappūr kuṭiyaraciṉ piratamar) ay ang puno ng pamahalaan ng Republika ng Singapore. Ang Pangulo ng Singapore ang naghihirang sa Punong Ministro na isang Miyembro ng Parlamento (MP) na, sa tingin niyang makakakuha ng tiwala ng mayorya ng mga MP.

Nalikha ang tanggapan ng Punong Ministro noong 1959 nang makamit ng Singapore ang mala-sarili nitong pamahalaan bilang Estado ng Singapore sa loob ng Imperyong Briton, at ang Gobernador ng Singapore na noo'y ang Yang di-Pertuan Negara ang naghirang sa punong ministro. Nanatiling hindi nagbago ang titulo ng Punong Ministro sa pag-anib ng Singapore sa Pederasyon ng Malaya, Sarawak, British North Borneo; habang isang estado sa loob ng Pederasyon ng Malaysia noong 1963 hanggang 1965, at noong makamit nito ang kasarinlan noong 1965.

Ang namayapang si Lee Kuan Yew ang kauna-unahang punong ministro ng Singapore mula 1959 hanggang 1990. Hinalilihinan si Lee ni Goh Chok Tong at ginawaran ng titulong Senior Minister sa Tanggapan ng Punong Ministro. Nagretiro si Goh noong Agosto 12, 2004 at humalili naman ang anak ni Lee Kuan Yew na si Lee Hsien Loong. Hinirang si Goh na Senior Minister, at ang nakatatandang Lee bilang Minister Mentor. Kapwa nagbitiw sa kanilang mga tungkulin sina Lee at Goh noong 2011.

Sa kasalukuyan, ang punong ministro ng bansa ay si Lawrence Wong mula noong Mayo 15, 2024.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kok, Xinghui (2024-05-15). "Singapore's new PM takes office pledging to lead his own way". Reuters. Nakuha noong 2024-05-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)