Ang Punong Ministro ng Tuvalu ay ang pinuno ng Gobyerno ng Tuvalu. Ayon sa Saligang batas ng Tuvalu, ang Punong Ministro ay kinakailangang miyembro ng Parlamento, at inihahalal ng Parlamento sa pamamagitan ng lihim na balota. Dahil walang partidong pampolitika sa Tuvalu, lahat ng miyembro ng Parlamento ay maaaring ihalal bilang Punong Ministro. Ang Gobernador-Heneral ng Tuvalu ay responsable sa pagsasagawa ng eleskyon at magproklama ng mananalo.
Ang opisina ng Punong Ministro ay itinatatag noong makamit ng Tuvalu ang kalayaan noong 1978, bagama't ito ay itinuturing na pagpapatuloy ng panunungkulan ng Hepeng Ministro na ginawa noong 1975. Kapag ang Punong Minsitro ay namatay, kung saan nangyari ng isang beses, ang representante ng punong ministro ang pansamantalang gaganap na Punong Ministro hanggang sa mahalal ang bagong pinuno. Maaring maalis sa pwesto ang Punong Ministro sa pamamagitan ng pag reretiro at pag natalo sa pagtitiwala ng boto ng Parlamento o kapag siya ay natao sa halalan ng Parlamento. Ilan sa dating Punong Ministro ay nanaging Gobernador-Heneral ng Tuvalu.
↑"Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-10. Nakuha noong 2013-08-09.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)