Purgatorio (Divine Comedy)
Ang Purgatorio (salitang Italyano para sa "purgatoryo") ay ang ikalawang bahagi ng ika-14 dantaong tulang epiko ni Dante Alighieri na Divine Comedy. Ito ang kasunod ng Inferno at Paradiso. Ito ay alegorikong pagsasalaysay ng pag-akyat ni Dante papunta sa tuktok ng Bundok Purgatoryo, sa pamamatnubay ng Romanong manunula na si Virgil, maliban sa hulíng apat na canto kung saan si Beatrice na ang gumabay kay Dante. Sa tula, ang purgatoryo ay inilalarawan bílang isang bundok sa Timog Emisperyo, na binubuo ng isang ibabang bahagi (ang Ante-Purgatory), pitóng antas ng pagdurusa at paglagong espiritwal (na may kaugnayan sa pitóng nakamamatay na kasalanan), at sa wakas ang Malamundong Paraiso sa tugatog. Sa alegorya, kumakatawan ang Paradiso sa búhay ng isang Kristiyano, at sa paglalarawan ng pag-akyat ni Dante ang tumatalakay sa kalikasan ng kasalanan, halimabawa ng bisyo at bansay, gayundin ang mga suliraning moral sa politika at pati sa Simbahan. Ang tula ay nagbubuod sa teorya na ang lahat ng kasalanan ay dulot ng pag-ibig – maaaring makasalanang pag-ibig tungo sa ikapapahamak ng iba, o kayâ naman hindi sapat na pag-ibig, o ang magulo at labis-labis na pagmamahal kahit sa mga mabubuting bagay.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos makaligtas sa kalaliman ng impiyerno, inakyat ni Dante at Virgil ang Bundok Purgatorya sa kabiláng ibayo ng Daigdig. Ang bundok ay isang pulo, ang kaisa-isang lupain sa Timog na Hemispera. Inilalarawan ni Dante ang impiyerno na nasa ilalim ng Herusalem, na nalikha dahil sa lakas ng pagbagsak ni Satanas. Ang Bundok Purgatoryo naman, na eksaktong nasa kabiláng ibayo ng Daigdig, ay nalikha dahil sa pagtalsik ng isang tipak ng bato na dulot din ng nasabing pangyayari kanina. Hinayag ni Dante ang intensiyon niyang ilarawan ang purgatoryo sa pamamagitan ng pananawagan sa mga maalamat na Musa, gaya ng ginawa niya sa Canto II ng Inferno:
"And of that second kingdom will I sing
Wherein the human spirit doth purge itself,
And to ascend to heaven becometh worthy.
But let dead Poesy here rise again,
O holy Muses, since that I am yours,"
Sa alegorya, ang Purgatorio ay kumakatawan sa búhay ng nagsisising Kristiyano. Taliwas sa bangka ni Charon upang tawirin ang Acheron sa Inferno, ang mga kaluluwang Kristiyano ay nakakarating dito dahil sa paghatid ng isang anghel habang kumakanta ng In exitu Israel de Aegypto[4] (Canto II). Sa kaniyang Letter to Cangrande, ipinaliwanag ni Dante na ang reperensiyang ito sa paglisan ng Israel sa Ehipto ay tumutukoy sa redempsiyon ni Kristo at sa "the conversion of the soul from the sorrow and misery of sin to the state of grace."[5] Kung gayon, Linggo ng Pagkabuhay nang makaritong sina Dante at Virgil dito.[6]
Ipinakikita ng Purgatorio ang medyebal na kaalaman sa sperikong Daigdig.[7][8] Sa tula, tinalakay ni Dante ang iba't ibang mga bituin na nakikita sa timog na hatingglobo, ang altered na posisyon ng araw , at ang iba-ibang sona ng oras ng Daigdig. At this stage it is, ayon kay Dante, paglubog ng araw sa Herusalem , hatinggabi sa Ilog Ganges (at ang konstelasyong Libra ay narinig din), at bukang liwayway sa Purgatoryo:
"By now the sun was crossing the horizon
of the meridian whose highest point
covers Jerusalem; and from the Ganges,
night, circling opposite the sun, was moving
together with the Scales that, when the length
of dark defeats the day, desert night's hands;
so that, above the shore that I had reached,
the fair Aurora's white and scarlet cheeks
were, as Aurora aged, becoming orange."
Ang Pitóng Teraso ng Purgatoryo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula sa puwerta ng Purgatoryo, ginabayan ni Virgil ang manlalakbay na si Dante tungo sa pitóng teraso. Kumakatawan ang mga ito sa pitóng nakamamatay na kasalanan o sa "pitóng ugat ng pagiging makasalanan."[16] Ang pag-uuri ng mga kasalanan dito ay mas sikolohiko (tumutukoy sa pag-iisip) kaysa ng sa Inferno, na nakabase sa motives, sa halip na sa mga kilos.[17]