Rafael Arnaiz Baron

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Si San Rafael Arnaiz Baron.

Si San Rafael Arnáiz o San Rafael Arnáiz Barón (Abril 9, 1911 - Abril 26, 1938) ay isang Kastilang santo ng Simbahang Katoliko Romano.[1][2]

Kilala rin si Rafael Arnáiz sa monasteryo bilang Kapatid na (Lalaking) María Rafael. Ipinanganak siya sa lungsod ng Burgos, sa hilaga ng gitnang Espanya. Siya ang una sa apat na anak na lalaki sa isang may-kayang mag-anak na Kristiyano at Katoliko. Bilang isang batang lalaki, nag-aral siya sa ilang mga paaralang pinangangasiwaan ng mga paring Hesuwita.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Talambuhay ni San Rafael Arnáiz mula sa websayt ng ordeng Trapista.
  2. Talambuhay ni San Rafael Arnáiz mula sa Indeks ng Patrong Santo.


TaoSantoEspanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Santo at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.