Ramon Barba
Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Oktubre 2021) |
Dr. Ramon C. Barba | |
---|---|
Kapanganakan | 31 Agosto 1939 |
Kamatayan | 10 Oktubre 2021 (edad 82) |
Nasyonalidad | Pilipino |
Nagtapos | Unibersidad ng Pilipinas, University of Georgia, University of Hawaii |
Trabaho | Horticulturist |
Parangal | Pambansang Alagad ng Agham ng Pilipinas |
Si Ramon Cabanos Barba[1][2] (31 Agosto 1939–10 Oktubre 2021[3]) ay isang Pilipinong imbentor na nakaimbento ng paraan upang lalo pang mapamulaklak ang mga punong mangga sa pamamagitan ng Ethrel at Potassium Nitrate. Nahirang sila bilang isa sa Ten Outstanding Young Men in Agriculture noong 1974 at napagkalooban ng Horticultural Technology Award noong Hunyo, 1999.
Anak nina Juan Madamba Barba (isang abogado) at Lourdes Cabanos (graduate din ng UP) ng Ilocos Norte si Ramon. Ipinanganak noong 31 Agosto 1939 bilang bunso sa apat na magkakapatid. Nagtapos ng elementarya si Ramon sa Sta. Rosa Academy (1951) kung saan ikatlo siya sa pinakamataas sa lahat ng mga nagsipagtapos. Sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) naman siya nagtapos ng high school kung saan naging guro niya sa laboratoryo ng Biology si Dr. Helen Layosa Valmayor, kilala sa kanyang mga pananaliksik ukol sa mga orkidya.
Ipinagpatuloy ni Ramon ang kanyang pag-aaral sa UP Los Banos, sa Laguna at nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Agriculture, major in Agronomy o Fruit Production (1958). Nagsilbing inspirasyon ni Ramon ang kanyang lolo na si Juan Cabanas na noo'y isang opisyal ng Bureau of Plants and Industry (BPI) at ang kanyang guro na si Dr. L.G. Gonzales, ama ng Horticulture sa Pilipinas.
Nakatanggap si Ramon ng scholarship sa Unibersidad ng Georgia kung saan marami siyang nagawang eksperimento ukol sa pagpapabulaklak ng mga halaman sa pamamagitan ng gibberellic acid at pataba gamit ang potassium nitrate. Taong 1962, natapos ni Ramon ang Master of Science in Horticulture (with distinction) sa nasabing paaralan.
Sa East-West Center, sa Hawaii naman niya natapos ang kanyang Doctorate in Plant Physiology, specializing in Tropical Fruits and Tissue Culture noong 1967. Maraming napagdaanang pagtutol si Ramon sa kanyang proposal upang higit pang mapamulaklak ang mga punong mangga. Subalit sa tulong ng kanyang kaibigang Ginoong at Ginang Jose Quimson ng Quimara Farms sa San Antonio, naisagawa ni Ramon ang kanyang eksperimento. Sa 400 puno ng 10 hanggang 12 taong gulang na puno, matagumpay niyang naisagawa ang kanyang pag-aaral. Namulaklak ang mga ito isang linggo hanggang isang buwan matapos ma-spray ang potassium nitrate.
Ang pag-aaral na ito ni Ramon ay kanyang isinulat at pinamagatang Induction of Flowering of the Mango by Chemical Spray at nahirang bilang Best Paper ng Crop Science Society of the Philippines (CSSP) noong 1974. Nahirang din si Ramon bilang isa sa Ten Outstanding Young Men in Agriculture noon ding taon iyon. Ang pagkakatuklas na ito sa kakayahang mapabunga eng mangga anumang oras sa buong taon ang nagpabago sa takbo ng industriya ng mangga sa Pilipinas.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ramon Barba[patay na link], Filipino Scientists, About.com
- ↑ Ramon Barba, Researcher Curriculum Vitae, UPD.edu.ph
- ↑ Cruz, Kaithreen (13 Oktubre 2021). "National Scientist Ramon Barba dies at 82". The Manila Times. Nakuha noong 13 Oktubre 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)