Pumunta sa nilalaman

Ramon d'Salva

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ramon d'Salva
Kapanganakan1921
TrabahoAktor
Aktibong taon1949–1994

Si Ramon d'Salva ay unang nasilayan sa pelikulang Suwail ng Premiere Production at pagkatapos niyon ay 13 pelikula pa ang nagawa niya hanggang sa noong 1952 siya ay nasali sa pelikulang pang Semana Santa ang Kalbaryo ni Hesus, Salome ng Consuelo Pictures at ang Golem ng Royal Productions.

Noong 1953 siya ay nasama sa pelikulang Katatakutan ang Tianak ng Cinema Technician Inc. at ipinareha siya kay Eleanor Medina sa pelikulang Babaing Kalbo.

Dalawa ang ginawa niya sa Maria Clara Pictures na pawang mabibigat na Drama at ito ay ang Pagsikat ng Araw at ang Sa Hirap at Ginhawa ng mag-asawang Arsenia Francisco at Pempe Padilla.

Taong 1954 ng una siyang lumabas sa Larry Santiago Production na pelikula ni Efren Reyes ang Ander de Saya.

Sa ilalim ng People's Pictures siya ay lumabas sa Desperado, Santa Lucia, Prinsipe Villarba at Haring Espada.

Siya ay huminto sa paggawa ng pelikula noong dekada 80s.


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.