Red-tagging sa Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang red-tagging sa Pilipinas, o pagtutukoy bilang pula (pula, nangangahulugang "Komunista" o/at "terorista") ay tumutukoy sa malisyosong pagba-blacklist ng mga indibidwal o organisasyong kritikal o hindi ganap na sumusuporta sa mga aksiyon ng nakaupong administrasyon ng gobyerno sa bansa. Ang mga indibidwal at organisasyong ito ay "itinalaga" bilang komunista o terorista o pareho, anuman ang kanilang aktwal na paniniwala o kinabibilangan sa politika.[1] Ito ay isang uri ng pag-uudyok at may masamang epekto sa mga target nito.[2] Ang red-tagging ay maaaring isagawa ng alinman sa mga pampublikong tagapaglingkod o utusan.

Ang red-tagging sa Pilipinas ay bakas ng Digmang Malamig at may mahabang kasaysayan bilang dating kolonya ng Estados Unidos,[3] at mga grupong may mga inaadhika kabilang ang mga Nagkakaisang Bansa,[4] Amnesty International,[5] at Human Rights Watch[6] na ang paggamit nito bilang isang taktikang pampulitika ay sumisira sa demokrasya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpigil sa hindi pagsang-ayon, na nagbubunga ng isang nakagigimbal na epekto sa pangkalahatang diskurso at, higit na tuso, naghihikayat ng mga pamamaslang at paghihiganti.[7]

Pagpapakahulugan[baguhin | baguhin ang batayan]

Karaniwang binibigyang-kahulugan bilang panliligalig o pag-uusig sa isang tao dahil sa "kilala o pinaghihinalaang mga simpatiyang komunismo,"[8] ang malawak na kasaysayan ng red-tagging sa Pilipinas ay humantong sa pagkilala sa ilang pormal na kahulugan mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Ang Komisyon ng Karapatang Pantao ay sumusunod sa kahulugang inilatag ng International Peace Observers Network (IPON), na tumutukoy rito bilang:[9]

Isang gawain ng mga aktor ng Estado, partikular na ang mga ahensiyang nagpapatupad ng batas, upang i-brand sa publiko ang mga indibidwal, grupo, o institusyon bilang… kaakibat ng mga komunista o makakaliwang terorista.

Mga apektadong grupo[baguhin | baguhin ang batayan]

Protesta sa harapan ng DILG, Lungsod Quezon laban sa NTF-ELCAC sa ikalawang anibersaryo nito, Disyembre 4, 2020.

Kasama sa mga organisasyong madalas na napapailalim sa red-tagging sa Pilipinas ang mga grupo ng karapatang sibil,[10] institusyong panrelihiyon,[11][12] unyon ng manggagawang pangkalusugan,[13] akademya,[14][15] at ang mainstream at alternatibong media.[16] Ang mga grupo ng mga manggagawa at magsasaka[17][18] at mga tagapagtanggol ng lupa at kapaligiran[19] ay madalas ding nire-red-tag. Ang ilan sa mga organisasyon at institusyong ito ay binansagan bilang mga prente, tagasuporta o mga simpatisador lamang ng Bagong Hukbong Bayan.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

 

  1. Torres, Jose (May 8, 2019). "Religious, rights groups fight 'red tagging' in Philippines". UCA News. Nakuha noong December 6, 2020.
  2. "VERA FILES FACT SHEET: Why 'red-tagging' is dangerous". Vera Files.
  3. Pagusara y J., Don (2015-11-11). "Foreign Colonial Ideology".
  4. Robles, Nathalie (May 3, 2019). "UN experts urge PH gov't to stop red-tagging".
  5. "Philippines: Stop 'Red-Tagging', Investigate Killings of Journalists". www.amnesty.org.
  6. "Human Rights Watch expresses 'deep concern' over red-tagging in Cagayan de Oro". Rappler.
  7. News, Adrian Ayalin, ABS-CBN. "Red-tagging schools may embolden military to suppress rights, freedom – CHR". ABS-CBN News.
  8. "VERA FILES FACT SHEET: Why 'red-tagging' is dangerous". Vera Files.
  9. "VERA FILES FACT SHEET: Why 'red-tagging' is dangerous". Vera Files.
  10. Navallo, Mike (May 30, 2019). "SC grants rights groups' bid for protection from 'red-tagging'". ABS-CBN News.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  11. Orellana, Faye (April 9, 2019). "Religious leaders slam government for red-tagging missionaries". Inquirer.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  12. Esmaquel II, Paterno (March 13, 2019). "Christian group slams red-tagging of Aglipayan bishops". Rappler.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  13. Carreon, Jire (May 31, 2019). "Stop red-tagging of health workers". ABS-CBN News.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  14. "UST condemns AFP's 'red-tagging'". varsitarian.net.
  15. "Xavier University slams red-tagging of its faculty, immersion program". Rappler.
  16. "Against "Red-tagging": Media Provide Needed Context | CMFR". cmfr-phil.org. Tinago mula sa orihinal noong September 5, 2019.
  17. Torres, Jose (May 8, 2019). "Religious, rights groups fight 'red tagging' in Philippines". UCA News. Nakuha noong December 6, 2020.
  18. Cutin, Monica (March 15, 2020). "Church, farmers say TF-ELCAC behind red-tagging spree". Nordis Dispatch. Nakuha noong December 6, 2020.
  19. "Red-tagging, attacks on rights and environmental defenders intensify amid looming enactment of terror bill | Karapatan". Karapatan. June 29, 2020. Nakuha noong 2020-12-06.