Pag-aaliw
Ang pag-aaliw o paglilibang ay ang paggamit ng oras sa paraang di kumikita, sa maraming paraan, ito rin ang paggiging maginhawa ng katawan at isip ng isang tao.
Binubukod ito sa mga sandaling malaya (leisure). Kung saan o dapat na puno ng pahinga ang leisure, nagpapaginhawa at nakakalibang naman ang rekreasyon. Habang nagiging di makilos ang moda ng buhay natin, lumago ang pangangailangan sa rekreasyon. Hinahalimbawa nito ang pagakyat ng tinatawag nilang aktibong bakasyon.
Hindi lamang sa tao ang rekreasyon, paglalaro o kasayahan; nagbibigay ng kagalakan ang halos lahat ng nilalang dito sa isang antas. Mahalaga ang paglalaro sa pagsulong ng mga kasanayan, pinaka-pangunahin ang mga motor na kasanayan sa mga batang nilalang.
Ang katupusan ng linggo ay tipikong oras para sa rekreasyon (sa mga kulturang Hudeo-Kristiyano at Muslim) dahil nasa katupsan ng linggo ang araw ng pangilin at "araw ng pangangahinga" ang araw na ito. Karaniwan din ang mga pista bilang oras para sa rekreasyon.
Sa tradisyon, ang musika at sayaw ang kinukunsidera na rekreasyon sa maraming kultura, gayon din ang palakasan, mga hobby, mga laro at turismo. Isang pangkaraniwan na anyo ng rekreasyon, kaysa leisure ang panonood ng telebisyon at pakikininig ng mga awitin.
Karamihan sa mga gawain ng maaaring rekreasyonal:
- pagkain at pag-inom
- pamamalengke
- pangangaso at pangingisda
- paglalakbay
- pagaasal na sekswal
- paggamit ng internet at telepono at paguusap sa ibang tao ng harapan
- pagbabasa ng aklat
Maraming mga tao nagagalak sa mga anyo ng rekreasyon na kinukunsidera na imoral ng iba, halimawa paggamit ng droga, pagsusugal, paghuhubad at ibang pang anyo ng seks. Karagdagan pa, may mga ilang tao na may pagbabawal sa oras sa ilang anyo ng rekreasyon, halimbawa hindi sa Linggo, araw ng pangilin o habang may Ramadan.