Rene Estrella Amper
Rene Estrella Amper | |
---|---|
Trabaho | manunulat |
Si Rene Estella Amper ay isinilang noong 18 Oktubre 1940 sa Boljoon, Cebu. Nag-aral siya ng Pilosopiya sa Unibersidad ng San Carlos noong 1960. Lumipat siya sa South Western University noong 1962 upang mag-aral ng medisina.
Naging miyembro siya ng Diliman Writers' Workshop noong 1968. Nakapag-ambag si Amper ng mga tula sa panitikang Pilipino. Ang unang aklat ng kanyang mga tula ay ang Twelve Palmas na lumabas noong 1969. Nahinto siya sa pagsusulat noong panahon ng Martial Law. Ang kanyang Collected Palmas ay nalathala noong 1990.
Naging aktibo siya sa pagsusulat ng mga tula sa Cebuano. Ang unang koleksiyon ng kanyang mga tula sa wikang Cebuano ay ang Payag Ibabaw sa Hangin (Hut Over the Wind) noong 1991. Ang All Else is Grass ay isang koleksiyon ng kanyang mga tula na nagkamit ng Ikalawang Gantimpalang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1989.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.