Rene Villanueva
Si Rene O. Villanueva (Setyembre 22, 1954 – December 5, 2007) ay isang daramatista at manunulat na Pilipino ng kuwentong pambata na nagpakilala sa kanyang marka sa panitikan ng Pilipinas noong mga huling bahagi ng dekada 1970 at hanggang sa unang dekada ng ika-21 na siglo. Nagkaroon siya ng mahalagang ambag sa kultura ng Pilipinas na ipinapakita sa kanyang maraming akda na patuloy na nakakapagdulot ng interes sa kanyang mga dula at libro para sa mga kabataan. Ang kaniyang bersyon ng "Ang Kuwento ni Carancal" ay nailimbag sa Ingles at pinamagatang: The Adventures of Carancal. Carancal: Ang Bayaning Isang Dangkal.[1]
Nanalo naman ng Gawad Palanca ang kanyang maliit na dulang Kumbersasyon (1980); ang una niyang pagkapanalo sa mga marami pang niyang napalunan sa naturang Gawad. Ilan sa mga dula niya na naparangalan ang May Isang Sundalo (1981, unang premyo), Huling Gabi sa Maragondon (1983, unang premyo), Punla ng Dekada (1984, ikalawang premyo), Ang Hepe (1986, ikatlong premyo), Asawa (1987, ikalawang premyo), at Awit ng Adarna (1987, kalawang premyo).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Carancal: Ang Bayaning Isang Dangkal (The Tiny Hero)". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)