Pumunta sa nilalaman

Batas sa Responsableng Pagkamagulang at Kalusugang Reproduktibo ng 2012

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Reproductive Health bill)

Ang mga panukalang batas sa Reproduktibong Kalusugan(Ingles: Reproductive Health bills na kilala bilang RH Bill) ang mga panukalang-batas na inihain sa lehislatura ng Pilipinas na naglalayon na siguruhin ang pangkalahatang paglapit sa mga paraan at impormasyon sa pagkontrol ng panganganak at pangangalagang pang-ina. Ang mga panukalang batas na ito ay naging sentro ng pambansang talakayan. Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang mga panukalang-batas na may parehong mga layuin:

  • Panukalang batas ng kapulungan Bilang 4244(House Bill No. 4244) o "An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and For Other Purposes"(Ang Aktong Nagbibigay ng Komprehensibong Patakaran tungkol sa Responsable Pagiging Magulan, Reproduktibong Kalusugan, at Populasyon at Pag-unlad, at Para sa Iba pang mga Layunin) na ipinakilala ng representatibong si Edcel Lagman ng Unang Distrito ng Albay.
  • Panukalang batas ng Senado Bilang 2378(Senate Bill No. 2378) "An Act Providing For a National Policy on Reproductive Health and Population and Development"(Ang Aktong Nagbibigay ng Pambansang Patakaran tungkol sa Reproduktibong Kalusugan at Populasyon at Pag-unlad) na ipinakilala ni Senador Miriam Defensor-Santiago.

Bagaman may pangkalahatang kasunduan tungkol sa mga probisyon sa pang-ina at pang-anak na kalusugan, may malaking pagtatalo sa pangunahing mungkahi na ang pamahalaan ng Pilipinas at ang pribadong sektor ay magpopondo at magsasagawa ng malawak na pamamahagi ng mga kasangkapang pang pagpaplano ng pamilya gaya ng kondom, mga pill na pangkontrol sa panganganak at IUD habang ang pamahalaan ay patuloy na nagpapakalat ng impormasyon sa mga gamit nito sa lahat ng mga sentro ng pangangalagang pangkalusugan(health care facilities).

Likurang impormasyon(background)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang beses na ang isang panukalang batas tungkol sa Reproduktibong Kalusugan ay iminungkahi noong 1998. Sa kasalukuyang ika-15 Kongreso ng Pilipinas, ang mga panukalang batas sa Reproduktibong Kalusugan na inihain dito ay isinulat ng Pinunong Minoridad ng Kapulungan na si Edcel Lagmanng Albay na HB 96; representatibong Dale Bernard Tuddao ng Iloilo, HB 101, mga representatibo ng Akbayan na sina Kaka Bag-ao at Walden Bello, HB 513; representatibo Rodolf Biazon ng Muntinlupa, HB 1160, representatibo Augusto Syjuco ng Iloilo, HB 1520, representatibo Luzviminda Ilagan ng Gabriela. Sa Senado, si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay naghain ng kanyang sariling bersiyon ng panukalang batas sa Reproduktibong Kalusugan. Noong Enero 31, 2011, ang Komite ng Kapulungan ng mga Representatibo sa Populasyon at Mga Ugnayang pang-Pamilya ay bumoto na pag-isahin ang lahat ng mga bersiyon sa Mababang Kapulungan na pinamagatang "An Act Providing for a Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development, and For Other Purposes"(Ang Aktong Nagbibigay ng Komprehensibong Patakaran tungkol sa Responsable Pagiging Magulang, Reproduktibong Kalusugan, at Populasyon at Pag-unlad, at Para sa Iba pang mga Layunin).

Ang isa sa pangunahing pagkabahala sa panukalang batas na ito(ayon sa komentong nagpapaliwanag dito) ay ang kasalukuyang populasyon ng Pilipinas ay gumagawa dito na "ika-12 pinaka-mataong bansa sa buong mundo ngayon" at ang bilis ng pertilidad ng mga kababaihang Pilipino ay nasa "itaas na bracket ng 206 mga bansa". Isinasaad nito na ang mga pag-aaral at pagsisiyasat (survey) ay "nagpapakitang ang mga Pilipino ay tumutugon sa pagkakaroon ng maliit na sukat ng mga pamilya sa pamamagitan ng malayang pagpili ng mga paraan ng pagpaplano ng pamilya". Ito ay tumutukoy rin sa mga pag-aaral na "nagpapakitang ang mabilis na paglago ng populasyon ay nagpapalala ng kahirapan samantalang ang kahirapan ay lumilikha ng mabilis na paglago ng populasyon". Kaya ito ay naglalayong pabutihin ang kalidad ng buhay sa pamamagitan ng "konsistente at magkaayon na pambansang patakarang pang populasyon".

Kabuuang teksto sa Tagalog

[baguhin | baguhin ang wikitext]