Pumunta sa nilalaman

Rerum novarum

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rerum novarum
(Latin: Ukol sa masidhing pagbabago)
Liham Ensiklikal ni Papa Leo XIII
In ipso Pastoralis
Petsa 15 Mayo 1891
Argumento Katanungang panlipunan
Bilang ng Ensiklika 37 sa 85 ng Pontipikado
Teksto sa Latin
sa Ingles

Ang Rerum novarum (buhat sa unang dalawang salitang Latin na "ukol sa masidhing pagbabago"[n 1]), o Mga Karapatan at Tungkulin ng Kapital at Paggawa, ay isang ensiklikang ipinahayag ni Papa Leo XIII noong 15 Mayo 1891. Ito ay isang bukas na liham na ibinigay sa lahat ng mga Katolikong obispo, na tumutugon sa kondisyon ng mga manggagawang uri.

Tinalakay nito ang ugnayan at mga tungkulin sa isa't isa at sa pagitan ng paggawa at kapital, pati na rin ng pamahalaan at mga mamamayan nito. Pangunahing alalahanín nito ay ang pangangailangang mapabuti "Ang paghihirap at pagkahamak na di-makatuwirang nagsasadlak sa karamihan ng manggagawang uri."[2] Sinuportahan nito ang mga karapatan sa paggawa gaya ng pagtatayô ng mga unyon, tinanggihan nito ang sosyalismo at walang habas na kapitalismo, habang pinatibay nito ang karapatan sa pribadong pag-aari.

Itinuturing na sandigan ng makabagong Katuruang Panlipunan ng Simbahang Katolika ang "Rerum Novarum".[3] Maraming posisyon sa Rerum novarum ay pinunan ng mga sumunod na ensiklika, partikular dito ang Quadragesimo anno (1931) ni Pio XI, Mater et magistra (1961) ni Juan XXIII, at Centesimus annus (1991) ni Juan Pablo II.

  1. Ang mga panimulang salita sa Latin ay "Rerum novarum semel excitata cupidine".[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Rerum novarum". The Tablet. 77 (2663): 5. 23 Mayo 1891. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2014. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rerum novarum, p. 3
  3. ""Rerum Novarum (The Condition of Labor), Berkley Center, Georgetown University". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-14. Nakuha noong 2015-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)