Pumunta sa nilalaman

RNA

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ribonucleic acid)

Ang Ribonucleic acid o RNA ay isa sa tatlong pangunahing mga makromolekula(kasama ng DNA at mga protina) na mahalaga para sa lahat ng alam na mga anyo ng buhay. Gaya ng DNA, ang RNA ay binubuo ng mahabang kadena(chain) ng mga bahaging tinatawag na mga nucleotide. Ang bawat nucleotide ay binubuo ng nucleobase na isang ribosong asukal at isang pangkat phospate. Ang sekwensiya ng mga nucleotide ay pumapayag sa RNA na magkodigo ng henetikong impormasyon. Ang lahat ng mga selular na organismo ay gumagamit ng mensaherong RNA(messenger RNA o mRNA) upang magdala ng henetikong impormasyon na dumidirekta ng sintesis ng mga protina. Sa karagdagan, maraming mga virus ay gumagamit ng RNA imbis na DNA bilang mga henetikong materyal nito.

Ang ilang mga molekulang RNA ay gumagampan ng aktibong papel sa mga selula sa pamamagitan ng pagkakatalisa ng mga biolohikal na reaksiyon, pagkontrol ng mga ekspresyon ng gene, o pagsesenso at pakikipagtalastasan ng mga tugon sa mga hudyat selular. Ang isa sa mga aktibong prosesong ito ang sintesis ng protina na isang pangkalahatang tungkulin kung saan ang mRNA na mga molekula ay dumidirekta ng pagbuo ng mga protino sa ribosoma. Ang prosesong ito ay gumagamit ng lipat RNA(transfer RNA o tRNA) na mga molekula upang maghatid ng mga asidong amino sa ribosoma kung saan ang ribosomal na RNA(rSNA) ay nagdudugtong ng mga asidong amino upang bumuo ng mga protina.

Ang istrakturang kemikal ng RNA ay napaka-kapareho ng sa DNA na may dalawang mga pagkakaiba: (a) ang RNA ay naglalaman ang asukal na riboso samantalang ang DNA ay naglalaman ng medyo ibang asukal na deoxyribose na isang uri ng riboso na nagkukulang isang isang atomong oxygen (b) ang RNA ay may nucleobase na uracil samantalang ang DNA ay naglalaman ng thymine. Hindi tulad ng DNA, ang karamihan ng mga molekulang RNA ay may isang-strando(single-stranded) at maaring kumuha ng napaka komplikadong tatlong dimensiyonal na mga istraktura.