Ricardo Brillantes
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Si Ricardo Brillantes (1912 – 1961) ay isang artistang Pilipino. Siya ay nagsimulang sa pelikula bago pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isinilang noong 1912 una siyang lumabas sa Liwayway Pictures para sa pelikulang ang tema ay tungkol sa digmaan ay ang Mutya ng Katipunan na nasundan din ng isa pang pelikula ang Tawag ng Bayan na siya ring produksiyon ng pelikula.
Ginawa niya ang Bisig ng Batas ng McLaurin Bros at Tayug (Ang Bayang Api) ng Pedro Vera Pictures. Lakambini ang huli niyang pelikula bago magliberasyon.
Taong 1947 ng magbalik pelikula siya at nakagawa ng isang pelikula sa bakuran ng Sampaguita Pictures ang Maria Kapra at di siya nakagawa ng kahit isang pelikula sa LVN Pictures ngunit kinuha ng isnag beses ang kanyang serbisyo ng Premiere Production ng gawin niya ang Labi ng Bataan.
Bisig ng Manggagawa ni Leopoldo Salcedo ang huling pelikulang kanyang ginawa.
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1938 - Mutya ng Katipunan
- 1939 - Tawag ng Bayan
- 1940 - Lakambini
- 1947 - Bisig ng Batas
- 1947 - Hanggang Langit
- 1947 - Maria Kapra
- 1947 - Tayug (Ang Bayang Api)
- 1948 - Batang Lansangan
- 1948 - Labi ng Bataan
- 1950 - Sundalong Talahib
- 1950 - Batong Buhay
- 1951 - Bisig ng Manggagawa
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.