Pumunta sa nilalaman

Ricetto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga bahay na binabagtas ng rue al Ricetto di Candelo

Ang ricetto ay isang pinatibay na estruktura o portipikasyon na ginagamit sa medyebal na Italya, lalo na sa hilagang Italya (Piamonte); ito ay isang grupo ng mga bahay na napaliligiran ng mga pader at tore na nagsisilbing kanlungan para sa pamayanang agrikultural kung sakaling magkaroon ng panganib.[1][2][3]

Ang estruktura ng arkitektura kung saan nakabatay ang mga tahanan ay kadalasang homologo at binubuo ng dose-dosenang mga gusali na tinatawag na cellule (mga selyula) na nakapaloob sa loob ng perimetro na kadalasang may pentagonal na hugis.

Sa maraming mga kalagayan, ang estruktura ay napapalibutan ng mga pader na may mga nakakalat na tore ng guwardiya, bilog o paralelepipedo sa hugis at tumatawid ng mga pinto. Ang mga pagbubukas ng iba't ibang laki patungo sa labas ay nagpapahintulot sa pagbibiyahe ng mga tao at karito, kahit na sa pamamagitan ng mga lebadisong tulay, sa kaso ng mga silungan na napapalibutan ng poso.

Ang ricetto ay tinawid ng mas marami o hindi gaanong siksik na network ng maliliit na nagtatawirang kalye, sa jargon rue (isang termino na malinaw na tumutukoy sa wikang Pranses).

Ang mga ricetto ay maaaring nahahati sa tatlong uri ng konstruksiyon:

  • Mga ricetto na popolari, ibig sabihin, binuo mula sa simula ng populasyon ng isang nayon sa paraang gumagana kapuwa sa mga gawaing pang-agrikultura (imbakan ng mga kagamitan, paggawa ng bino...) at sa mga pangangailangan sa pagtatanggol sakaling may kagipitan (hal. Candelo, Magnano);
  • Mga ricetto na itinayo simula sa mga dati nang tinatahanang lugar, na pinatibay buhat sa pagtatayo ng mga poso at/o mga pader ng lungsod (hal. Ponderano);
  • Mga ricetto na katabi ng isang kastilyo, kung saan sa isang tiyak na kahulugan ay bumubuo sila ng isang pinatibay na dugtungan kung saan maaaring magkubli ang populasyon kung sakaling kailanganin (hal. Valdengo, Verrone). Sa mga kastilyo ng kapatagan ng Pavia, ang ricetto ay binubuo ng isang bilog ng mga pader, na pinagtanggol ng isang poso, na pinagsama sa estruktura ng kastilyo.[4]

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pintuang papasok sa ricetto ng San Benigno Canavese (TO)

Mayroong ilang mga ricetto na umiiral pa rin at maaaring bisitahin sa Piamonte. Ang partikular na halaga ay ang Ricetto ng Candelo, sa Candelo, sa lalawigan ng Biella (ang nag-iisang nagpapanatili ng hitsura na pare-pareho sa orihinal na mga estrukturang medyeba;, na may mga tore, mga pader ng lungsod at mga gusali ng cellule).

Ang iba pang mga ricetto na may kahalagahan sa kasaysayan ay sa San Benigno Canavese, Baldissero Torinese, Fiorano Canavese,[5] Pecetto Torinese, at Oglianico, sa Kalakhang Lungsod ng Turin, sa Ghemme at Carpignano Sesia sa Lalawigan ng Novara, sa Lerma sa Lalawigan ng Alessandria at iyon - mahusay na inaalagaan at napupuntahan sa pamamagitan ng isang napakalaking arkong pinto - ng Magnano, nasa Lalawigan ng Biella.

Ang Sentro ng Dokumentasyon ng mga Ricetto ng Piamonte, na may suporta ng Rehiyon ng Piamonte ay responsable para sa pagkolekta ng dokumentasyon at pagsasagawa ng mga pag-aaral sa mga ricetto ng Italya at Europa, at kung saan ay nakabase sa ricetto ng Candelo, ay nagsu-survey, sinusubaybayan, at nagtatag ng isang database ng humigit-kumulang dalawang daan mga ricetto na umiiral noong panahong medyebal sa Piamonte.[6]

  1. "ricètto in Vocabolario - Treccani" (sa wikang Italyano).
  2. "Ricerca | Garzanti Linguistica".
  3. "Ricetto > significato - Dizionario italiano De Mauro" (sa wikang Italyano).
  4. Padron:Cita pubblicazione
  5. I resti del ricetto - GAT – Gruppo Archeologico Torinese
  6. Fonte: Pro Loco Naka-arkibo 2023-07-31 sa Wayback Machine. di Candelo.

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]