Roberto Gomez
Si Roberto Gomez (ipinanganak Oktubre 5, 1978 sa Lungsod ng Zamboanga) ay isang propesyonal na manlalarong Pilipino sa larangan ng bilyar na nagkamit ng ikalawang puwesto sa Pandaigdigang Kampeonato sa Pool ng 2007[1] na ginanap sa Araneta Coliseum, Lungsod Quezon, Pilipinas.
Unang naglaro ng bilyar si Gomez noong siya ay 9 na taong gulang pa lamang. Bagaman naghangad na makipagkomputensiya sa mga torneong propesyunal, nagpasya si Gomez na maghanap ng ibang karera noong nasa kolehiyo siya.[2] Pumasok siya sa Pamantasang Pampamahalaan ng Kanlurang Mindanao at binalak na kunin ang kursong arkitektura subalit kinuha ang brodkasting dahil iyon na lamang at ang agham pampolitika ang mayroon sa pamantasan. Dahil dito, naging taga-ulat siya sa ABS-CBN.[2] Pagkatapos nito, nagbalik si Gomez sa pagbibilyar at naging propesyunal na manlalaro.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Opisyal na website ng World Pool Championship". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-13. Nakuha noong 2007-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Mason King (Nobyembre 10, 2007). "Exclusive Interview with Roberto Gomez: The Secret Identity of "Superman"" (sa wikang Ingles). AzBilliards.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 13, 2011. Nakuha noong Setyembre 13, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)