Lalawigan ng Salerno
Lalawigan ng Salerno | ||
|---|---|---|
Palazzo Sant'Agostino, tahanan ng luklukan ng lalawigan. | ||
| ||
Mapang nagpapakita ng lokasyon ng lalawigan ng Salerno sa Italya. | ||
| Bansa | ||
| Rehiyon | Campania | |
| (Mga) kabesera | Salerno | |
| Mga komuna | 158 | |
| Pamahalaan | ||
| • Pangulo | Michele Strianese | |
| Lawak | ||
| • Kabuuan | 4,923 km2 (1,901 milya kuwadrado) | |
| Populasyon (31 Oktubre 2012) | ||
| • Kabuuan | 1,092,349 | |
| • Kapal | 220/km2 (570/milya kuwadrado) | |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
| Postal code | 84100 | |
| Telephone prefix | 089 | |
| Plaka ng sasakyan | SA | |
| ISTAT | 065 | |
| Websayt | http://www.provincia.salerno.it | |
Ang Lalawigan ng Salerno (Italyano: Provincia di Salerno) ay isang lalawigan sa rehiyon ng Campania ng Italya.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pinakamalaking bayan sa lalawigan ay ang: Salerno, ang kabesera, na may populasyon na 131,950; Cava de' Tirreni, Battipaglia, at Nocera Inferiore, lahat ay may humigit-kumulang 50,000 na naninirahan. Ang lalawigan ay may lawak na 4,923 kilometro kuwadrado (1,901 sq mi), at kabuuang populasyon na humigit-kumulang 1.1 milyon. Mayroong 158 mga comune, ang isa na may pinakamalaking lugar ay ang Eboli.
Turismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Baybaying Amalfitana — isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO mula noong 1997 — ay matatagpuan sa loob ng lalawigan, na umaakit ng libo-libong turista mula sa buong mundo bawat taon. Binubuo din ng lalawigan ang baybayin ng Cilento, na ang kaledad ng dagat ay itinuturing na isa sa pinakamahusay sa Italya.[1]
Dating kilalang sentro ng Magna Graecia, ang Paestum ay nagtataglay ng malawak na complex ng mga nakapreserbang mga sinaunang templong Griyego.[kailangan ng sanggunian]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website (sa Italyano)