Fisciano
Fisciano | |
|---|---|
| Comune di Fisciano | |
Fisciano sa loob ng Lalawigan ng Salerno | |
| Mga koordinado: 40°46′N 14°48′E / 40.767°N 14.800°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Campania |
| Lalawigan | Salerno (SA) |
| Mga frazione | Bolano, Canfora, Carpineto, Gaiano, Lancusi, Penta, Pizzolano, Settefichi, Soccorso, Villa |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Vincenzo Sessa |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 31.69 km2 (12.24 milya kuwadrado) |
| Taas | 320 m (1,050 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 13,967 |
| • Kapal | 440/km2 (1,100/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Fiscianesi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 84080, 84084 |
| Kodigo sa pagpihit | 089 |
| Santong Patron | San Vicente Ferrer |
| Saint day | Abril 5 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Fisciano ay isang komuna sa lalawigan ng Salerno sa rehiyon ng Campania sa timog-kanlurang Italya. Pinakatampokd dito ang Unibersidad ng Salerno, na nagtayo ng bagong kampus sa bayan noong 1988.[3]
Ang munisipalidad ay may hangganan sa Baronissi, Calvanico, Castiglione del Genovesi, Giffoni Sei Casali, Mercato San Severino, at Montoro.
Heograpiyang pisikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga batong apog na dolomita ay bumubuo sa alubyal (graba at abuhing toba) at bulkan (lapilli, pozzolana, pumice) substrata na pumuno sa sahig ng lambak sa paglipas ng mga siglo. Mula sa isang perspektibong idrolohiko, mahalaga ang sirkulasyon ng tubig sa ilalim ng lupa.
Ang altitud, sa pagitan ng mga burol, maliliit na lambak, kakahuyan, mga taniman ng haya, mga taniman ng olibo, at mga taniman ng kastanyas, ay nasa pagitan ng 140 at 1,200 m.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ekonomiya ay nakabatay sa agrikultura at pag-aalaga ng hayop; ang mga tradisyonal na aktibidad sa paggawa ng tanso ay tumigil noong dekada '80, bagaman may ilang mga industriyal na planta (mga sektor sa paglilinang ng bakal/mekaniko, salamin, at plastik).
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ (sa Italyano) Info and address at University of Salerno website
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]
May kaugnay na midya ang Fisciano sa Wikimedia Commons
